#13 she's Name

402 23 0
                                    

Kylie's POV

Ang sakit ng ulo ko!

Napatingin ako kung nasaan na ako ngayon.. ang naaalala ko kasi nasa terrace ako kagabi..

Napatingin ako sa paligid.. nasa kwarto ko na ako..

Napakunot ang noo ko.. ano bang nangyare?

Unti unti akong umupo mula sa pagkakahiga ko..

Naalala ko na.. uminom nga pala ako kaya ganito nalang ang hang over ko..

Teka sino yung naglagay sa akin dito sa kwarto ko?

Lumabas ako ng kwarto at pumunta pababa.. kukuha lang ako ng tubig kasi ang sakit talaga ng ulo ko..

Tumungo na ako sa kitchen.. argh! Feeling ko binibiyak yung ulo ko sa sobrang sakit.. di naman ako ganoon karami ang nainom ko.. isang bote nga lang eh.. baka di lang ako nasanay uli..

Habang umiinom ako may narinig akong boses..

"Musta headache?" Sabi nya nagulat tuloy ako kaya naman muntikan na akong malunod..

"*caugh* *caugh*" yun lang ang nasabi ko.. sorry naubo ako.. hinihimas himas ko yung dibdib ko.. bakit ba palagi  nalang syang nang gugulat?

Agad naman syang lumapit sa akin.. tapos hinimas himas nya yung likod ko..

Nang maging okey na ako hinampas ko sya sa balikat nya.. "argh! Bakit ba palagi ka nalang nang gugulat?" Sambit ko sa kanya saka ako muling uminom ng tubig..

"Bakit ba kasi palagi kang nagugulat?" Balik nyang tanong sa akin..

"Aba! Sino bang magugulat kapag nandyan ka?" Sabi ko..

"Bakit ano bang meron sa akin?" Sabi nya sa akin.. napatingin naman ako sa kanya..

"W-wala.. teka.. saan na tayo pupunta ngayon?" Sabi ko..

Nilagay nya naman yung isa nyang kamay sa baba nya na parang nag iisip sya..

Ang gwapo mo kapag nakaganyan.. sabi nung maliit na boses sa side ng utak ko..

Sana lagi nalang kitang kasama.. you+me=4ever:)

Nabalik nalang ako sa realidad ng magsalita sya..

"Hmm.. puntahan natin yung Chocolate Hills.. tapos pumunta nalang tayo sa beach dito.. ang sabi nila nakakapagparelax daw talaga ang mga tanawin dito.." sabi nya..

Napangiti naman ako saka ako nagmamadaling pumunta ng kwarto ko..

"Wait lang.. magbibihis na ako! Ikaw rin! Kelangan pag tapos ko tapos ka na rin! Teka! Yung Tarsier rin pala! Pakilala mo naman ako doon hahaha!" Sabi ko..

Napakunot naman ang noo nya..

"Bakit? Hindi bat magkamag anak kayo nun?" biro ko.. napasimangot lang sya habang ako tawa ng tawa sa sarili kong jokes.. saka ako tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko..

Naligo na ako at Nagpalit na ng damit.. naka plain t-shirt lang ako at simpleng jeans tapos nag step-in din ako na parang tsinelas ang dating na kinakawit lang sa magkabilang dulo..

Sinuklay ko nalang ang buhok ko tapos nagbaon ako ng pantali ng buhok..

Matapos nun ay nilagay ko ang wallet ko sa bulsa ko pati yung cellphone ko tapos yung dslr sinabit ko na sa leeg..

Matapos nun ay lumabas na ako ng kwarto ko.. paglabas ko nasa labas lang sya ng kwarto ko at halatang hinihintay lang akong lumabas..

Atleast di sya nalate ngayon.. teka.. di naman talaga sya nale late eh..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now