last chapter 2: announcement

161 5 1
                                    

Kylie's POV

Naririto ako ngayon sa seesaw at inaantay si Steve..

May lakad kami ngayon dahil sa monthsarry namin..

Its March 14! You know!

At isang linngo nalang at engagement party na naming dalawa!

Nag aabang ako ng tawag nya sa cellphone ko ng bigla itong mag ring.. di nga lang sa kanyang number kundi kay papa..

Sinagot ko naman yun agad..

"Pa?" Tawag ko..

(Kylie..) teka.. parang may mali sa mga boses ni papa.. bakit parang malungkot sya na may halong... cold?

"Bakit kayo napatawag pa?" Tanong ko sa kanya..

(Umuwi ka na at kakausapin sana namin kayo) sabi nya sa akin.

Napakunot naman ang noo ko..

"Pa.. nakapag paalam na po ako sa inyo huh? Hindi po ba sinabi ko sa inyong may lakad kaming dalawa ni Steve? Monthsarry namin ngayon" sabi ko sa kanya na may halong pagtataka..

(Naririto na si Steve kasama ang tito at tita mo.. bumalik ka na agad rito) saka na nya pinutol ang tawag..

Nakapagtataka.. nung una ang lungkot ng tono ng boses ni papa sabay magiging cold.. tapos nasa bahay daw si Steve.. at kasama pa sila tita? Ano bang nangyayare?

Agad akong umuwi sa bahay saka ko na sila naabutang tahimik na nagkakatinginan lamang sa mga mata na para bang nag uusap usap sila gamit ang mga ito.

Si Steve naman ayun at naka kunot rin ang mga noong pinagmamasdan ang mga magulang namin..

Lumapit ako sa dining table kung saan sila naroroon ng may mahagip ang mata ko na di kaaya aya..

Agad na nawala ang mga ngiti ko at napalitan iyon ng pagka cold..

"Mabuti at nakauwi ka na" sabi ni papa sa akin na parang ngayon lang ako nakita..

"Opo.. ano po bang nangyayare? at bakit sila naririto?" Cold kong tanong sa kanila..

Pero imbis na sagutin ang tanong ko..

"Maupo ka na muna Kylie" sabi ni mama habang naka palumbaba sya sa mesa na para bang may problema..

Ano bang nangyayare?!

Naupo ako sa tabi ni Steve kung saan katapatan namin yung dalawang manloloko..

Lahat sila nananahimik.. kaya naman nakaramdam ako ng kaba..

Wala man lang gustong magsalita..

Hanggang sa naramdaman ko ang kamay ni Steve na humawak sa akin ng napakahigpit..

Kaya naman doon lang lumakas ang hinala kong may problema.. nagkatinginan kami na para bang sinasabi nya sa aking kinakabahan narin sya sa mga nangyayare..

Kaya napatayo na ako at hinampas ng napaka lakas ang lamesa.

Lahat sila nagulat at tiningnan ako.. sa wakas nakuha ko rin ang atensyon nila..

" sabihin nyo nga sa akin kung anong nangyayare!" Sigaw ko sa kanila..

"You and Prince are engage.. Kylie" agad na nanginig ang mga binti ko.. halos di ako makalunok ng maayos.. sa sinabing yun ni papa.. para bang halos buong mundo ko gumuho..

"And Steve and Klarisse are  engage too" pagtutuloy pa ni tita rito..

Agad akong napahinto.. napa upo ako sa mga pinagsasasabi nila..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now