#25 my own band

382 20 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa hallway..

Halos tatlong linggo na ang nakakaraan ng umuwi kami ng Bohol.. at kung tatanungin nyo kung okey na kami ng mga magulang ko?.. di parin..

Nakaka lungkot lang na parang iniwan na nila ako ng tuluyan sa ere..

Kung kay Steve naman? Wala na kaming pansinan ngayon.. pero nakikita ko syang sumusulyap sa akin.. pero ako? Nakikita ko namang ang sweet parin nila.. wag lang talaga masaktan si Steve ng dahil kay Danica..

Nabalik nalang ako sa katawang lupa ko ng biglang may humarang sa aking 4 na babae.. ang gaganda nila at mukhang same age lang naman kaming lahat..

Napakunot ang noo ko..

"Hello Kylie.." sambit nung maputi at nakangiti..

"Hi.." cold kong sambit sa kanila..

"Bago ang lahat.. magpapakilala na muna kami.." sabi nung medyo morena ang balat pero maganda parin.. "my name is Haily" sabi nya at nilahad ang kamay.. tinanggap ko naman yun..

"Im Sam.. Samantha Cortez" sambit naman nung may hawak na lollipop.. medyo childish rin ang dating nya..

"Linda Joy Moreno.. Lin nalang" sabi naman nung maputi..

"Im Joy.. joy lang bawal ang happy" ang weird naman nung isang ito.. pero mukhang masarap syang kasama..

"Ahmm... can I ask?" Tanong ko sa kanila at tumango naman sila ng sabay sabay.. "bakit kayo nagpapakilala sa akin?" Tanong ko sa kanila..

Ngumiti naman ng malapad yung Hailey.. "nagpapakilala kami kasi gusto naming ikaw ang maging vocalist namin.. nagandahan kasi kami sa boses mo.. wala yun katulad.. para sa musikahan sa F.A. alam kong papayag ka.." sambit nya..

Nagulat naman ako sa sinabi nila..

"Im.. sorry.. pero di ako mahilig sa pagkanta.." sambit ko sa kanila.. halata namang nalungkot sila..

Naglakad ako patalikod sa kanila..

"Di kami titigil Ms. Kylie.. sana bigyan mo kami ng chance para maka band ka.. magagaling kami promise.. at sana.. pumunta ka sa music room mamaya.. may ipapakita lang kami sa iyo.. hope namin na magbago ang isip mo.." sambit ni Linda sa akin.. saka sila umalis..

Napa iling nalang ako sa kanila.. di talaga sila susuko huh?

Well lets see..

Pumunta na ako sa room ko.. mukhang section B sila kaya di ko sila kasama.. pero mukhang magagaling naman sila.. tsk.. ano ba yan.. bakit parang gusto kong sumali?

Umupo na ako sa upuan ko.. and as usual.. magkatabi kami ni Steve.. by First letter if your Surname kasi ang kelangan.. kaya Abellana.. tapos Abarro.. diba? Dikit lang.. tapos babae.. lalaki pa ang upo..

Di lang kami nagpapansinan.. maya maya naman ay pumasok na ang teacher namin.. I mean adviser pala namin..

"Good morning class.." sambit ni mam sa amin..

Tumayo naman kami.. "good morning mam" sabay sabay naming sambit saka kami pinaupo na ni mam..

"Alam nyo naman na siguro na malapit na ang musicahan natin dito sa F.A." tapos tumingin si mam sa akin.. "at alam kong ikaw ang may pasimuno nito.. ms. Pres.. so kakanta ka? May banda ka?" Tanong ni mam sa akin..

Nakatingin naman na sa akin yung mga kaklase namin..

Napangiti naman ako..

*************

Papunta ako ngayon sa music room.. kung saan papanoorin ko mag perform yung apat..

Di ko alam pero parang gusto ko silang mapanood para naman malaman ko kung tama ba ang naging desisyon ko o hindi..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon