#55 caring him

264 14 0
                                    

Ngayon naka upo nalang kaming magkakaibigan rito sa table namin.. ang tagal naman kasi talagang matapos itong event.. tsk.. nakaka inis lang talaga... init na init na ako sa damit ko eh..

Si Steve naman antok na raw sya..

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa maramdaman ko yung mainit na palad ni Steve na dumampi sa kamay ko..

Tapos binigyan nya ako ng weak smile..

Hinawakan ko naman yung noo nya saka yung leeg..

Shocks! Ang init nya na talaga.. baka nga mabinat itong lalaking toh!

"Ang init mo na Steve.. ang taas na ng lagnat mo.." sabi ko sa kanya..

"Tawagan mo na yung driver natin Mine.. masama na talaga ang pakiramdam ko.." sabi nya saka hinilot ang sentido ng noo nya..

Nataranta naman ako..

"Guys! Meron ba kayong dalang kotse?" Pagtawag ko ng atensyon sa kanila..

Napakunot naman ang noo nila.."bakit? Aanuhin mo?" Tanong ni Hailey..

Binara ko nga.. "natural mag da drive ako.. obvious ba Hailey?" Sarcastically I said..

Inirapan nya naman ako..

"Ako may dalang kotse.." sabi naman ni Pao.. lumapit naman ako sa kanya saka ko kinuha yung susing binibigay nya sa akin..

"Thanks Pao.." sabi ko sa kanya..

"Your welcome.." sabi nya naman saka ngumiti..

Agad ko namang tinungo si Steve na ngayon ay naka dukdok na sa lamesa namin.. ang init na nya talaga..

"Steve... halika na at baka lumala pa yan.." sabi ko sa kanya.n tumingin naman sya sa akin at tumango.. "bye guys! Una na kami! Pao.. bigay ko nalang sayo bukas yung kotse" sabi ko..

Tumango lang sya pero napalitan rin yun ng pagkakunot ng noo.. "kaya mong magmaneho?" Tanong nya..

Psh.. I dont care! Bastat alam ko naman ng magmaneho nuh! Matagal na nga lang nung huli akong gumamit..

Tumango lang ako sa kanya saka kami naglakad paalis ni Steve sa kanila..

Nakarating kami ng Parking saka ko hinanap yung kotse ni Pao.. at Ayun! Nakita ko na..

"Are you sure kaya mo magdrive? Huli na ng makita kong nagdrive ka?" Sabi ni Steve sa akin habang nakapikit na naka upo sa shut gun seat..

"Kaya ko Steve.." sabi ko saka ko binuksan yung engine..

Nagsimula na akong magmaneho..

At salamat naman na alam ko parin pala ang magmaneho kahit papaano.. nakarating rin kami ng bahay ng maayos..

"Steve nandito na tayo sa bahay nyo.." sabi ko sa kanya habang yinuyugyog sya ng mahina..

Napadilat naman yung isa nyang mata..

Lumabas naman na ako ng kotse saka ko sya inalalayan papuntang bahay nila..

"Susi?" Sabi ko.. binigay nya naman sa akin saka sumandal sa wall ng bahay..

Binuksan ko naman kaagad yung gate saka kami pumasok at sinara ko uli..

"Walang tao?" Tanong ko..

"Nope.. tulog na sila mom.." sabi nya sa akin..

Inalalayan ko na sya patungong kwatto nya sa taas..

Grabe lang at naka hills pa ako dito.. sana naman at di ako matapilok nyan..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now