#32 King and Queen

417 20 0
                                    

Nagising nalang ako ng may kung ano akong naramdaman na parang may kung anong nakatitig sa akin habang natutulog..

Minulat ko ang mga mata ko at agad na napabangon ng makita na sobrang lapit na ng mukha sa akin ni Steve..

Gulat na gulat ang mukha ko at tiningnan kung nasaan na ako..

Nasa kama ko na ako? Pero bakit? Eh naalala kong nasa sofa bed ako natulog huh? Sinong magdala sa akin rito?

"Nagulat ba kita?" Alala nyang sambit sa akin..

Nakahawak parin ako sa dibdib ko sa sobrang gulat..

"Bakit ako nandito? Diba nasa sofa ako?" Sambit ko..

Ngumiti naman sya sa akin.. "binuhat kita rito.. sobrang pagod ka na rin siguro at nakatulog ka na sa sofa.. sorry di na kita nahintay kagabi eh.." sambit nya sa akin saka sya umupo..

"Anong oras na?" Tanong ko sa kanya..

"11 am" sabi nya.. napabalikwas naman ako sa kanya..

"What!? Diba may usapan tayo nila cous?" Tanong ko.. napatingin naman sya sa akin.. at binigyan ako ng isang weak smile..

Natahimik ako ng makita yun..

"So your not ready.. pasok nalang tayo.. half day" sabi ko.. oo may pasok kami ngayon.. wednesday pa nga eh..

Tumango nalang sya sa akin saka kami sabay na tumayo at lumabas ng kwarto..

Bumaba na kami ni Steve ng may marinig kaming nagkwekwentuhan sa dining room.. nagugutom na kaya kami..

Pagpunta namin doon ay agad silang napatigil at agad din kaming napatigil..

0__0 ---sila

-___- ----ako

=__= ----steve

Kakauwi lang ba nila galing Singapore? Bakit parang napaaga yata sila ng uwi?

"Anak.. dito ka natulog?" Tanong ni tita kay Steve.. tumango lang si Steve sa kanya.. inaantok pa nga yata kami kasi anong oras na kami nakatulog kagabi..

Mas lalong nanlaki ang mga mata nya..

"Saan ka natulog anak?" Tanong ni tito kay Steve..

Kinukusot ko ang mata ko at pumunta na kami sa mga upuan.. magkatabi kami ni Steve.. at dumampot muna kami ng kung anong pagkain bago sya nagsalita..

"Sa kwarto ni Kylie.. " sambit nya saka kumagat sa hotdog at kumain ng sinangag..

Agad namang nagbugahan ng mga iniinom nila ang mga parents namin..

Naligo tuloy kami ni Steve ng dis oras ng Juice na iniinom nila -___-

"Pa ang bastos nyo" sambit ko sa kanila..

"Bakit kayo natulog sa iisang kwarto!?" Sabay na sigaw ni mama at tita sa amin samantalang sila tito at papa naman ay nakangisi sa aming dalawa..

"Wag masyadong marumi ma/mom" sabay naming sambit ni Steve habang busy kami sa pagkain ng sinangag na may bacon..

"Paanong di namin maiisip yun!? Babae si Kylie at lalaki ka anak!.. anak naman.. baka naman magkaapo na kami nyan.." sambit ni tita kaya naman sabay kaming nabilaukan ni Steve sa mga kinakain namin at sabay na kinuha ang juice namin sa side..

Ininom kaagad namin iyon at ikinalma ang sarili..

Saka..

"WHAT THE HELL?!" Sabay naming sambit sa kanila..

"What?" Inosenteng sambit ni tita sa amin..

"Tita di yun mangyayare nuh.." sambit ko kay tita..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now