#6 Bohol here we come!✓

542 28 0
                                    

Agad kaming sumakay sa kotse ni Principal saka kami nagmamadaling umalis kasi we have only 30 minutes bago ang flight namin.

Magkatabi kami dito sa backseat ni Steve. Pinoproseso parin namin sa aming utak ang mga nangyayare ngayon.

Halos fifteen minutes din pala ang byahe saka kami nakarating sa airport.

Ibinaba na ni principal ang mga bagahe namin.

Bago kami pumasok nagsalita muna si Principal.

"Mag-iingat kayo doon ha? Bibigyan ko nalang kayo ng extra points sa grade sa ginawa nyo ngayon. Thank you talaga and sorry na rin. Have fun nalang." sabi ni Sir saka kami pumasok habang hila hila ang tig isa naming bag na de-gulong.

"Grabe. Hindi parin nag si sink-in sa utak ko ang mga nangyayare ngayon." sabi ko sa kanya.

"I agreed." pag sang-ayon nya sa akin saka kami pumunta sa mga bleachers.

Tinawagan ko muna si mama.

"Ma.." sambit ko pag-kasagot palang ng tawag ko sa kanya.

[Oh, anak. Pumayag na nga pala kami ng papa mo na sumama ka dyan sa Bohol. Sino naman yang kasama mo?] Tanong nya.

Napatingin naman ako sa katabi ko na ngayon ay busy rin sa pagkausap nya sa dad nya.

"Si Steve, ma. Kami lang dalawa. 1 week kami doon."

[Wow! Anak tadhana na talaga ang naglalapit sa inyo!] Si papa yun ha? Hanggang dito ba naman?

[Hay! Wag kang makinig dyan sa tatay mo. Behave ka doon ha? Sige aalis pa kami. Malapit na rin ang flight nyo. Tumawag ka kaagad kapag nandoon na kayo ha? Matulog nalang tayo sa rest house natin dyan. Nandoon sa bag mo yung keys. Sige have to go na. Bye. Love you]

Tapos pinatay na nila yung tawag.

Agad ko namang binalingan ng tingin ang bag ko.

Agad kong binuksan ang zipper na nasa itaas lamang noon at nakita ko na doon ang isang susi na may nakakabit na pangalan. (resthouse Bohol) yun yung nakalagay sa key tag.

Agad ko naman yun kinuha saka ko ipinasok sa loob ng dala kong sling bag.

"Steve, doon nalang daw tayo sa resthouse nila mama." sabi ko. Tumango tango lang sya sa akin.

Maya maya tinawag na kami.

Agad naman na kaming tumayo saka kami pumunta na papuntang eroplano.

Magkatabi kaming naupo sa eroplano. May kung ano pa syang inaayos. Ako naman umupo na ako sa tabi ng bintana.

Tinitingnan ko lang yung labas ng tumabi sya sa akin.

Ang lamig sa loob ng eroplano. Kahit na naka p.e. kami medyo manipis lang kasi yung pantaas namin. Nakalimutan ko pa naman yung jacket ko.

Niyakap ko nalang ang sarili ko.

Saka ko sinandal yung ulo ko sa may bintana. Umandar na kanina pa yung eroplano at ngayon ay nasa himpapawid na kami.

Kumuha na ako ng bubble gum kasi baka mas stack yung panga ko. Kelangan talaga yun.

Nginunguya ko lang yung bubble gum at pinatay naman ng eroplano ang lahat ng ilaw sa loob. Nasa private part kami naka upo ni Steve. Talagang mahal ang bayad doon.

Iilan lang kaming pasahero doon. Kumpara doon sa local lang.

Inaantok na ako kaya naman pinikit ko na ang mga mata ko. Hindi ko na muna papansinin si Steve. Mukhang tulog na rin naman sya eh kasi wala na akong nararamdaman na gising pa sya.

Fall Inlove With My Manhid BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon