chapter C- pag uusap

179 9 0
                                    

Kylie's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko.. Nagpapatugtog lang ako.. Soundtrip ba?

Medyo okey na ako ngayon kumpara kahapon..

Maya mayay tumunog ang cellphone ko na syang pag hinto ng kanta..

Tiningnan ko ang istorbong tumawag sa akin ngayon..

Steve my Love calling..

Dati rati kapag nakakatanggap ako ng mga tawag at text nya excited na excited ako.. Tapos ngayon parang ayoko ng sagutin kapag tatawag sya.. Ayoko ng tingnan kung may text ba sya..

Ano pa bang kelangan kong linawin doon? Diba malinaw na malinaw naman na hinahalikan ni Steve yung babaeng yun?

Pero bakit parang ang dating ng picture sa puso ko peke? Yun talaga ang nararamdaman ko ngayon.. Yun bang feeling ko di naman talaga yun gagawin sa akin ni Steve..

At saka napaisip rin ako sa mga naging pag uusap namin ni papa kagabi..

Flashbacks..

Matamlay akong bumaba ng sasakyan saka tinungo ang papasok ng bahay namin..

Kakauwi ko lang galing kela Prince.. Kanina medyo magaan na ang pakiramdam ko.. Ngayong mag isa nanaman ako.. Feeling ko luluha uli ako..

Alam nyo bang naka isang pitsil na yata ng tubig ang naiyak ko.. Sa sobrang iyak ko..

Gustuhin ko mang isipin na wala lang yung picture na yun.. Naisip ko yung baby na nasa sinapupunan nung babaeng yun.. Nakaka awa naman kung mawalan sya ng tatay kung si Steve nga talaga ang tunay na ama nun..

Para narin akong nang agaw ng tatay ng may tatay..

Gustuhin ko mang kausapin si Steve ngayon di magawa ng utak kong isipin ang mga pwede nyang sabihin sa akin..

Matamlay akong naglakad at tinahak ang hagdan ng may bigla nalang nagsalita..

Boses palang nya alam ko ng nakita nya ako.. Alam nyang may problema ako..

Walang sabi sabing niyakap ko si papa..

"Why my Princess? Why are you crying?" Alalang sabi ni papa sa akin saka nya hinahagod ang likod ko kasi nahihirapan na akong umiyak sa sobrang sama ng pakiramdam ko..

Sorry naman at first time kong umiyak at pumasok sa ganitong relationship..

Lahat ng nararamdaman ko noon at ngayon si Steve ang naka first ng lahatFirst kiss..

First happiness..

First cry..

First crush..

First heart break..

First date..

All first nagawa nya sa akin..

Minsan nakakatuwa.. Minsan nakakasakit.. Tulad nalang ngayon..

"Whats the problem Kylie?" Tanong ni papa.. Wala kasi ngayon si mama at mukhang busy talaga sya sa company namin sa Paris kaya nandoon sya.. Si papa lang ang kasama ko ngayon..

Kumalas ako sa pagkakayakap namin sa isat isa saka ko sya tiningnan mata sa mata..

"Pa.. Ano ng gagawin ko? Nalilito na talaga ako.. And at the same time.. Nasasaktan" sabi ko sa kanya..

Inaya ako ni papa sa garden saka ako doon nag kwento sa kanya ng mga nangyare..

"Pero anak.. Di mo pa alam ang tunay na nangyare.. Di mo alam kung sino ang totoo at hindi sa kanila.. Hindi bat mahal mo si Steve? Bakit di mo na muna gawing buksan ang iyong tenga saka lawakan ang iyong pag iisip at unawa sa kanya.. Nang sa gayon magkaintindihan kayo.. Kapag pinatagal nyo pa yan baka tuluyan ng masira ang mahigit sa isang bwan nyong relasyon.. Masisira at mauuwi lang rin yan sa hiwalayan.." Sabi ni papa sa akin..

Doon para akong biglang nagising sa mga pinag sasasabi nya.. Pero bakit parang ayoko muna syang makita?

"Anak.. Di ko sinasabing makipag kita ka na kaagad.. Ang sinasabi ko lang ngayon ay mapag usapan nyo na sana.. Pwede ka namang magsabi ng 'space' or 'temporary break up' sa pagitan nyong dalawa.. Doon mo masasabi kung tama ba ang ginawa mo o talagang mali ka kasi di mo sya pinakinggan" matapos nyang sabihin iyon ay tinapik nya ang balikat ko saka na sya tuluyan ng naglakad paalis..

Aba humuhugot pala ang tatay ko?

End of flashbacks..

Nagising nalang ako sa realidad ng may magsalita..

"Kylie di mo ba talaga ako kakausapin?" Para akong nabato ng marinig ko ang boses nya..

Humarap ako sa kanya saka ko sya tiningnan..

Maga ang mga mata at mukhang kulang pa sya sa tulog ang itsura nya ngayon..

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya saka ko tinago ang kaba sa aking dibdib..

Lumapit naman sya sa akin saka nya hinawakan ang kamay ko..

"Mine-- ahm Kylie.. Sorry sa mga nagawa ko.. Pero maniwala ka naman sana sa akin na wala talaga akong ginawagawa.. Wala akong ginawa sa kanya.. Sana naman paniwalaan mo ako.. Di ko alam kung bakit kami nagkaroo ng ganoong picture pero nasisiguro kong wala akong hinahalikang babae.. Ikaw lang naman.." Sabi nya sa akin..

May kumawala nanamang luha sa mata ko pero pinunasan ko yun agad..

"Sana naman intindihin mo ako Kylie.. Kasi nagsasabi ako ng totoo.. Mahal na mahal kita para makipag cheat sayo.." Sabi nya habang naka yuko..

"Steve.." Sabi ko saka ko sya inangat ng mukha..

Tiningnan nya ako sa mata..

"Alam kong masakit para sa atin ang mga nangyare... Alam kong picture lang yun pero iba parin talaga ang nararamdaman ko ngayon.." Sabi ko..

Umiwas lang sya ng tingin saka sya nagsalita.. "Are you saying na nakikipag split ka na sa akin?" Tanong nya sa akin..

Hinawakan ko sya sa mukha nya..

"Kung tayo.. Tayo parin hanggang huli.. Kahit na maghiwalay tayo ng pansamantala"

Agad na dumaloy ang mga luha nya ng marinig nya yun sa akin..

"Mag hihintay ka ba? Pakalmahin at palamigin nalang muna natin ang ating mga sarili.. Siguro yun lang ang hanap ng mga puso natin para matahimik na tayo.." Sabi ko saka ako yumuko saka pinunasan ang mga luha ko..

Huminga lang sya ng malalim..

"So.. Pwede parin naman tayong maging magkaibigan diba? Kahit na temporary lang?" Tanong nya sa akin..

"Oo naman.." Ngiti kong sambit sa kanya..

"Bastat ipangako mo sa akin na dadating ka kasi hihintayin kita..  Hihintayin ko ang araw na magiging tayo muli at magiging masaya na tayo.. Tulad ng dati.." Sabi nya sa akin..

Tumango lang ako..

"No good bye's huh?" Sabi ko natawa naman sya ng mahina sa sinabi ko..

"Hmmm.." Sabi nya sa akin habang tumatango.. Pinat nya ang ulo ko saka ginulo ang buhok ko..

"See you soon Kylie" sabi nya sa akin..

"See you soon Steve" sabi ko saka nya ako hinalikan sa noo ko..

Matapos ng pag uusap naming yun doon lang bumuhos ang mga luhang kaninang kanina ko pa di pinapalabas..

Hagulgol ko ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto ko..

Masarap s pakiramdam na makakapag isip muna kayo pansamantala..

Pero masakit parin isapuso na magkakahiwalay muna kayo..

Temporarily..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now