#3 were friends✓

635 31 0
                                    

Umaga nanaman!

Agad kong ginawa ang mga dapat kong gawin saka ko binihisan ang sarili ko. Nang matapos ay pumunta ako sa baba para kumain ng breakfast ng may marinig akong malakas na wangwang.

Geez. Bakit ba ang hilig nyang kumanta?

Binuksan ko naman yung pinto nya.

"What the! Bakit nanaman ba?!" Sigaw nya sa akin.

"Anong bakit ka dyan!? Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan! Bakit nanaman ba ang aga-aga ngumangawa ka!?" Sigaw ko.

"Oh I'm sorry for that. Masyado kasing maganda ang boses ko kumpara sa iyo. Kaya siguro insecure ka sa akin!"

King ina naman nito! Bakit naman ako ma iinsecure sa kanya!?

"Oh, really? Na-iinsecure ako sayo? Well, I guess its not true. Kailanman hindi ako na-insecure lalo na kung ganyan din namang boses? Damn." sabi ko at nag crossed arms sa harapan nya.

"Tss! Just leave me alone! I don't wanna talk to you!" Sigaw nya sa akin.

"Tsk. Your too annoying so I'm just like really pissed off whenever I heard your voice. So can you please? Shut the fuck up." sabi ko at umirap sa kanya. Tinaasan nya lang ako ng kilay. As in yung nasa 100 floors na yata yun sa taas.

"Wag kang mag english dito! Nasa Pilipinas ka wala ka sa America!" Sabi nya.

"Talk to my hand." sabi ko sa kanya saka ko finorm ang kamay ko na parang puppet at iniharap sa kanya.

"Argh! Just get lost!" Sigaw nya sa pagkairita.

"Tsk. Bitter" sabi ko nalang saka ako tuluyang lumabas ng kwarto nya.

Ang aga aga beast mode nanaman ako! Hayst! Bakit ba kasi nandito yang si Angel! Dapat kasi bumalik na sya sa America eh.

At talagang kinuwestyon nya pa yung boses ko huh? Walang araw talaga na di kami nagsumbatan nyang si Angel Demonyita 2.0 hayst! -__- she always annoys me!

"Oh, ano musta libing?" Bati sa akin ni yaya Maring. Napatingin tuloy ako sa kanya.

What the hell is she talking about?

"Para ka kasing namatayan ng dahil dyan sa mukha mo. Ano bang nangyare?" Paglilinaw nya. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Yaya, maganda ba ang boses ko?" Di ko maiwasang itanong sa kanya. Talagang tinamaan kasi ako sa sinabi ni Angel. Kapag usapang boses ayokong niloloko ako.

"Oo naman, anak. Maganda ang boses mo." sabi ni yaya at ngumiti. Ngumiti nalang rin ako sa kanya.

Naniniwala naman ako na maganda ang boses ko. Minsan na akong napasama sa isang musical play at sinabi na nga sa akin ng direktor doon na maganda at mala-anghel ang boses ko.

Mukhang ayoko lang kasing nalalaman pa nila ang tungkol sa boses ko.

"Hayst! Forget about that, yaya. Kain na muna ako. Anong pagkain?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm.. may bacon tapos sinangag with matching ham pa doon." sabi ni yaya. Napangiti nalang ako.

Alam na alam talaga ni yaya kung ano ang gusto ko. bulong ko sa sarili ko.

Agad akong pumunta doon saka ako kumain. Uminom ako ng gatas saka ako nagpaalam na papasok na sa school.

Wala sila mama at papa at may business trip sila sa Singapore for two weeks.

Ginawa ko na rin yung para sa letter para kay Principal mamaya.

Ang sabi ko doon gaganapin ang inaabangang 'fair day' one month magmula ngayon.

Fall Inlove With My Manhid BestfriendOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz