chapter L- L.Q

174 8 3
                                    

Haily's POV

Ay.. So sa chapter na ito pa talaga nasama ang POV ko? At bakit naman? Nakakainis naman! Sisiguraduhin ko talagang pagkatapos nito pag uuntugin ko tong dalawang toh! Talagang sa LQ chapter pa talaga nasama ang first POV ko? Bakit mo naman ako nilagay dito author! Ginawa mo pa talaga akong narrator ng love story ng dalawang toh?!

Parang sira tong dalawang toh! ayaw magbati! Akala mo naman mag asawa na kung mag away!

Narito kami ngayon sa bahay...

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ko (^O^) hehe..

At nandito silang lahat..

Ang banda ni Steve at ang A5th.. Diba? Parang reunion narin..

Ito palang kasi ang araw na nag get-together kaming sampu.. Tapos ito lang ang mangyayare? Mag aaway lang pala itong dalawang ito!!! Nakaka irita lang! Ginawa lang akong connection ng dalawa.. Voice mailer ba ako rito?!

"Sabihin mo dyan sa katabi mo.. Magbati na kami.. Di ko naman sinasadyang magkausap kami ni Klarisse eh.." Sabi ni Steve sa akin..

Pumunta naman ako rito sa isang katabi ko.. "Sabi ni Steve magbati na raw kayo.. Di nya naman daw kasi sadya na magkita sila ni Klarisse eh.." Sabi ko..

"Well.. Sabihin mo sa kanya.. Manigas sya dyan.. Ako di pwedeng makipag usap kay Prince tapos sya makikipag usap kay Klarisse? Oh come on!" Sabi nya naman..

Tumingin naman ako sa katabi ko.. "Sya daw kasi bawal makipag usap kay Prince tapos ikaw daw nakikipag usap kay Klarisse.. Syempre maiinis sya.." Sabi ko naman..

"Kaya nga nagkamali na nga diba?" Sabi nya naman saka umirap sa kawalan..

Pinagtawanan naman sya ng lahat..

"Woah! Tama ba ako ng nakita! Umirap si Steve? Haha! Ambakla pre!" Natatawang sambit ni Karlo kay Steve..

Tumayo naman si Steve saka nya binatukan si Karlo na naka upo sa sofa kasama sila Marco..

"Umayos ka kung ayaw mong tumama tong kamao ko dyan sa nguso mo.." Seryosong sambit ni Steve sa amin.. Natahimik naman ang kabuuan ng bahay..

Para bang ang bumalik sya sa pagiging seryoso nyang ugali noon.. Cold ba..

"Sorry naman pre.." Sabi naman ni Karlo sa kanya habang hinihimas parin ang batok nito..

"Masyado ka namang seryoso pre.." Singit ni Brian.. Kanina pa sya nagbabasa ng libro huh? Mabuti at ngayon lang nagsalita..

"Chill ka lang pre.. Wala ka naman sa hot seat.." Sabi naman ni Lance sa kanya..

Napabuntong hininga na lamang si Steve.. Matapos nun ay tumayo na sya..

Napatingin naman kaming lahat sa kanya.. Including Kylie..

"Kung ayaw mo pa akong kausap mas mabuti nang nandoon na muna ako sa pool area.. Kung saan di ka pupunta.." Sabi nya kay Kylie..

Oo di na muna pumupunta ng pool area si Kylie nang dahil sa muntikan na syang malunod nung last practice nila.. Mabuti na lamang at nakita sya ni Steve..

Kaya siguro sya na trauma.. Para ngang ayaw na nyang sumama sa laban nila para sa swimming na gaganapin sa Japan eh.. Next month na iyon..

"Steve.." Pagtawag sa kanya ni Sam ngunit di na n iyon pinansin saka na sya nagmamadaling pumunta sa pool side..

Nanahimik kami saglit nang magsalita na si Linda..

"I think pumunta na muna tayo sa taas.. Mag girl movie marathon tayo.." Pag yayaya nya..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now