chapter Q- break up

221 9 2
                                    

Kylie's POV

"Are you sure buo na ang desisyon mo anak? Wag kang mag alala.. susunod rin naman kami ng papa mo sa America.. ilang linggo lang naman tayong mawawala" nakangiting sabi sa akin ni papa..

Ngumiti na lamang ako sa kanya..

Isang linggo na ang nakakaraan nang mangyare iyong pinaka masakit na nangyare sa tanang buhay ko..

At ngayon ready na kami sa pagpunta sa America..

Sumama ako kela mama at nag paalam na munang mawawala ako ng apat na linggo sa school.. kinausap naman nila mama ang principal at sila tito para ipag paalam ako..

At ngayon nag hahanda na kami dahil bukas na ang alis namin..

Nalungkot na lamang ako ng palaging bumabalik sa utak ko ang bawat pangyayare noong araw na iyon..

"Good night sweet heart" sabi ni mama saka humalik sa pisngi ko saka na sila umalis ni papa sa aking kwarto..

Napahiga ako sa kama ko habang nakatingin ako sa picture naming dalawa ni Steve..

Muli akong napa iyak habang nayakap ko na ang frame kung saan yun ang picture namin noong js prom namin..

"Im sorry.. im so sorry" tanging sabi ko lang sa kanya habang yakap yakap ko parin ang frame na yun..

Flashback*

Makikipag usap ako kay Steve ngayong araw kung saan katatapos lang namin mag aral..

Papauwi na kami sana nang sinabi ko sa kanya pwedeng makipag usap kami para sabihin sa kanya ang plano ko..

Pumunta kami sa garden ng school kung saan kami dating nag uusap at nag ke kwentuhan tuwing recess..

"Salamat naman at nakipag usap ka narin sa akin" sabi nya sa akin..

Tumango tango lamang ako sa kanya..

Nanatili akong tahimik at sya naman muli ang nagsalita..

"Mine.. wala lang yung nakita mo sa amin ni Zhazha.. may halong kung ano ang pina inom nya sa akin kaya---" di ko na sya pinatapos at nagsalita na ako..

"Steve I want to break up with you" sabi ko sa kanya..

Halos mapanganga sya ng marinig nya ang sinabi ko..

"A-ano?" Na uutal nyang sabi sa akin..

Tumingin naman ako sa kanya.. "gusto ko ng makipag hiwalay" sabi ko..

"No.. di mo yan gagawin.." umiiling nyang sabi sa akin..

Tumingin nalang uli ako sa harapan ko at tinanaw ang kulay kahel na kalangitan kung saan papalubog na ang araw..

"Bakit Kylie? Dahil ba sa nangyare sa amin ni Zhazha? Galit ka ba sa akin? Hindi bat nangako ka sa aking papakasalan mo ako after 4 years?" Umiiyak nyang sabi sa akin..

Pagkasabi nyang yun doon lang bumuhos ang luha ko..

"Bakit Kylie! Bakit?" Galit nyang sigaw sa akin..

"Kasi nahihirapan na ako!" Sigaw ko naman sa kanya pabalik..

Marahas nyang sinuntok ang puno malapit sa amin..

"Wag mo namang gawin sa akin ito Kylie.." nanghihina nyang sabi saka nya ako niyakap..

Napatingala na lamang ako habang umiiyak parin..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now