chapter T- revelations..

207 5 2
                                    

Prince's POV

Isang bwan na ang nakakaraan noong maghiwalay sila Kylie at Steve..

At talaga namang ipinag bunyi naming dalawa ni Klarisse ang nangyare sa kanila.. lalo nat noong nasaksihan namin kung paano naghiwalay ang dalawa sa garden..

Marami ang nagbago sa halos isang bwan na yun..

Mas lalong naging popular si Steve nang dahil sa pagiging genius at pagiging seryoso na nito sa isang bagay..

Malaki ang pinagbago nya pero wala akong pake sa kanya.. tama lang lahat ng nangyare.. umaayon talaga sa amin ang tadhana..

Sa isang linggo na ang alis namin rito sa F.A. at babalik na kaming dalawa sa America..

Pero di na kami mag aaral pa doon..balak sana naming kunin na lamang ang mga documents namin then mag ta transfer na lamang kami rito sa Manila..

Mas gusto ko pang magalit sa akin ang parents ko kesa sa malayo ako kay Kylie..

Konti na lamang at matatapos na namin ang misyon namin at alam kong konti nalang ang kelangang hintayin at mapapasaakin na si Kylie..

Naririto nga pala kami sa canteen dalawa ni Klarisse..

At talaga namang masaya kaming kumakain ng makarinig kami ng di kaaya ayang balita..

"Huy girl.. alam mo nagkabalikan na raw sila Steve at Kylie kahapon.. grabe so Kilig ako doon sa picture nilang dalawa habang magkahalikan sa gitna ng ulan sa Bohol!"

"Oo nga.. grabe talaga si Angel at na kuhanan nya pa ng litrato yung dalawa"

"Nakakakilig kasi talaga yung dalawang iyon.."

"Bagay na bagay talaga sila.. sana nga forever na sila"

"Hay naku girl.. asa ka pang may forever.. lifetime lang ang meron noh!"

Halos malukot ang mga mukha namin ni Klarisse dahil sa narinig namin..

"Ano ng gagawin natin?" Seryoso nyang tanong sa akin..

"Proceed na tayo sa plan A" sabi ko sa kanya saka na kami nagmamadaling pumunta sa room ng dalawa..

Nasa lower section silang dalawa.. alam nyo na mga bobo..

T*ng* pa..

Nang makarating kami doon ay agad namin silang kinausap.. nasa labas lamang kami ng room nila..

"So ano ng gusto nyong gawin namin?"tanong sa amin ni Jonas..
"Aakitin ko ba uli si Steve?" nang aakit na sabi ni Zhazha sa amin..

"Nope.. doon na tayo sa plan A.. okey pag hiwalayin nalang uli natin sila Kylie at Steve----" di ko na natapos pa ang sasabihin ko ng biglang may kung sinong humila sa akin patalikod at biglang tumama sa akin ang napaka bigat nyang kamao..

Nakarinig rin ako ng pagsampal kaya naman napatingin na ako..

Ganoon nalang ako nagulat ng makita ko si Steve at Kylie na sobrang nagagalit na naka yukom ang mga kamay na nakatingin sa amin..

Nakita ko ring naka luhod si Klarisse at hawak hawak ang kanyang kaliwang pisngi..

"WHAT THE F*CK!!!!" Galit na galit na sigaw ni Kylie sa amin..

agad akong tumayo at lumapit pa sa kanya ngunit agad ako muling sinuntok ni Steve..

"Wag na wag mong lalapitan si Kylie g*go ka!" Sigaw nya rin..

Galit na galit ang mga pagmumukha nila.. pero di ko iyon pinansin at lumapit sa kanya..

"Let me explain---" di na nya ako pinatapos at bigla na lamang nya akong sinuntok..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendМесто, где живут истории. Откройте их для себя