#20 the concert

434 23 0
                                    

"Wahhh!!!" Sigaw nilang tatlo ng ikwento ko sa kanila yung nangyare kanina sa music room..

"Nakaka inis!" Sigaw ko saka ako naglakad papalayo sa kanila..

Kanina pa kasi nila ako kinakantayawan...

Naramdaman ko naman na hinabol nila ako..

"Ayieee!! Grabe na toh!" kilig na sambit ni Lovely sa akin..

Hay.. mga sira ulo na talaga sila.. mga nasiraan na ng bait eh..

Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad papasok ng concert hall.. kung saan gaganapin ang charity concert namin..

Agad kaming pumunta sa backstage tapos nag ayos.. agad na bumungad sa amin ang mga sasayaw para sa opening number..

Ako kasi yung emcee pati narin si Steve.. kapag naman kakanta na kami.. si Pao ang mag e emcee..

Nagretouch na ako saka ko sinuot yung dress ko.. kulay pink lang naman sya na may glitters.. para kikinang yun kapag natapat sa akin ang ilaw..

Ang cute ko.. hahahahah..

Matapos kong tingnan ang sarili ko sa salamin na nakadikit sa dressing room.. lumabas na ako..

Pag labas ko saktong lumabas yung nasa kabila kong kurtina..

Pag tingin ko si Steve pala.. tsk.. ano ba yan.. bakit ba palagi nalang sya?

Nakatingin lang rin pala sya sa akin..

Nagising nalang ako sa realidad ng may magsalita..

"Ayyiieee.. bagay kayo.." sabi nung kung sino man.. napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at tiningnan sila.. nakatingin na pala sila sa akin lahat.. tsk.. kahiya..

"Ahm.. back to work.. guys.. malapit na magstart yung concert.. galingan natin guys.. kaya natin yan!" Sigaw ko para maiba naman.. iba na kasi yung atmosphere eh..

Napatingin naman sila sa akin saka ngumiti..

Nagmake up na ako ng konti saka ako naupo at kinuha ang mic ko.. kinakabahan ako pero di ko pinapakita.. in short cold mode na naman ako..

May naramdaman naman akong tumabi sa akin.. si Josh lang pala.

"Good luck sayo at sa amin.. okey na ba kayo?" Sabi nya sa akin.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.. alam na nya ang ibig sabihin nun.. 'hindi pa'

Tumango tango lang sya..

"Ang gwapo mo.." sabi ko at ngumisi sa kanya.. napangiwi naman sya na parang diring diri..

"Yuck.. mahiya ka naman.." sabi nya.. hahahah.. ang cute nya..

"Tsk.. pa pogi points ka lang kay Pao eh.. hahahha" biro ko sa kanya..

Napasimangot naman sya.. tsk.. alam ko na kung anong kakahinatnan nitong isang ito..

Maya maya tinawag na kami ni principal saka kami nag pray ng sabay sabay sa backstage sa pangunguna ni Principal..

"... in Jesus name.. amen.." pagtatapos nya saka kami nag group hug lahat.. sana maging perfect lahat..

"Ahm.. good luck sa inyong lahat.." sambit ko.. sa kanila.. malapit na kasi ang concert at talagang marami ng tao sa labas..

Si principal na lang daw ang mag e emcee para daw may ma contribute naman daw sya sa concert kahit papaano.. sumang ayon nalang kaming lahat.. principal naman kasi namin sya..

Maya maya nagsimula ng mag opening number ang lahat.. kaming dalawa at ng kabanda nalang ni Steve ang naiwan sa backstage.. kinakabahan kami pero mukhang worth it naman kasi nag hihiyawan sila sa labas..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now