#63 date

217 13 1
                                    

Halos isang bwan na rin ang nakakalipas magmula ng mangyareng unang nagselos ng ganoon katindi si Steve.. Hahaha..

At sa isang linggo na ang alis namin ni Steve rito sa USA.. Halos ang bilis ng araw.. Babalik na kaagad kami ng Pilipinas..

Okey back tayo..

Oo kahit pa daw ganoon lang ang nangyare nagselos na raw sya.. Psh.. Ano naman kayang ikakaselos nya doon? Eh minura mura ko nga yung lalaking yun eh..

Di narin nagparamdam pa yung lalaking yun sa amin ewan ko pero parang natatakot na sila kay Steve..

Minsan nga tinanong ko sya kung bakit naging ganoon nalang ang mga kinikilos nung mga lalaking yun sa tuwing nakikita sya o minsan magkasama kami..

At ang sagot nya?

"Aba malay ko?" Yan.. Yan nanaman ang sinabi nya sa akin ngayon.. Tinatanong at kinukulit ko kasi sya ngayon eh..

Nandito kami ngayon sa kwarto sa attic ng bahay? Yung para sa kwarto naming dalawa ni Steve kapag nakasal na kami..

"Hayst! Toh naman oh.. Tinatanong ko lang naman.." Sabi ko saka ako humiga sa kama then nagtalukbong ng kumot.. Sya naman nasa baba ko lang at naglalaro sa cellphone nya ng clash of clans..

Ipinikit ko ang mga mata ko kasi inaantok narin naman ako dahil sa gabi narin naman..

Maya maya naramdaman kong tinapik tapik nya yung paanan ko..

"Huy! Tulog ka na?" Tanong nya sa akin..

Minsan ewan ko ba kung bobo si Steve eh.. Wala ba syang common sense? Magtatanong sya kung tulog na yung tao? Sa tingin nyo sasagot ba yun kung tulog nga? Psh..

Di lang ako gumalaw at pinikit ko nalang ang mga mata ko saka ko pinakiramaman ang paligid..

Naramdaman kong gumapang sya papunta sa akin.

Tinanggal nya yung kumot na nakatalukbong sa akin..

Naramdaman kong inihahawi nya yung buhok ko then the next thing is hinalikan nya na ako sa noo..

"Tsk.. Tinulugan mo naman ako Mine eh.." Sambit nya saka sya pumunta sa likurang bahagi ko saka nya ako niyakap palikod..

Pinakinggan ko lang sya..

"Okey.. Aamin na nga.." Sambit nya.. Napamulat naman ako ng mata ko.. Di nya yun nakikita kasi nakatalikod ako sa kanya..

So talagang may nangyare?

"Kasi.. Sinuntok ko sila Mine.. Tinakot ko sila.. Para di na nila tayo guluhin lalo ka na.. Di ko sinabi sayo kasi alam kong magagalit ka sa akin.." Magsasalita na sana ako ng magpatuloy sya sa pag sasalita.. "Kasi naman Mine.. Bakit ba kasi ang ganda ganda mo? Bakit ba kasi ganyan nalang mahumaling sayo lahat ng mga lalaki.. Di ba nila nakikita na akin ka na? Di ba nila nakikita na biyfriend mo na ako? Na fiance na kita?" Sambit nya sa akin..

Di ako nakapagsalita sa mga sinabi nya..

Ano ba talagang totoo Steve? Bakit ganyan ka nalang mag react?

"Di mo ba nahahalata Mine? Unti unti na akong nahuhulog sayo.. Mahal na kita Mine.. Mahal na kita.."

Doon nanlaki ang mga mata ko..

Napaharap ako ng disoras sa kanya.. Para naman syang nakakita ng multo ng makita nya akong nakatingin sa kanya..

"M-mine.. G-gising ka? Narinig m-mo?" Bigla nyang tanong sa akin saka medyo na lumayo sa akin..

Wala na akong nasabi pa.. Niyakap ko nalang sya ng napakahigpit.. Mahigpit na mahigpit..

Umiiyak ako ngayon.. Oo umiiyak ako ng dahil sa saya.. Ng dahil sa kanya..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendDove le storie prendono vita. Scoprilo ora