#59 blushing

244 14 1
                                    

Long chapter..

Continuation..

Papunta na kami ngayon sa bahay nila Steve para i celebrate yung pagkakapanalo namin kanina sa musicahan sa F.A. at ang despidida party namin ni Steve kasi bukas na ang alis namin sa F.A. at hello naman kami sa F.A. USA..

At itong katabi ko.. ayun.. nakabusangot parin..

"Huy.. di ka ba masaya na nanalo kami?" Tanong ko sa kanya.. narito kami ngayon sa van.. kasama ang parents namin ni Steve at kaming dalawa..

Kasunod naman namin ang isa pang van para sa mga kaibigan namin at sa kotse na ang nasaloob ay sina Angel at Jas kasama si Prince at Klarisse..

Medyo di daw kasi komportable ang mga kabanda ko kay Klarisse na sumakay sa van kasama sila.. medyo di raw kasi nila feel ang presence nito sa kapag kasama sila..

Para bang plastic raw?

Well.. di ko sila masisisi.. plastic naman na talaga sya eh-___- psh..

"Wala.." sabi ni Steve..

"Anong wala? Bakit ganyan yang itsura mo? Para ang nalugi?" Natatawa kong sambit sa kanya..

"Walang nakakatawa Abarro" seryoso nyang sambit..

"Tsk.. ayaw mo namang sabihin sa akin Steve eh.. bakut nga?" Pangungulit ko sa kanya..

Natatawa nalang yung mga parents namin sa unahan..

Hmm..

Mukhang nahihiya lang itong si Mine kasi maririnig siguro nung parents namin.. hahahaha..

Sinarado ko nga yung bintana nung van sa harapan.. nasa likuran kasi kami ni Steve..

Para naman silang nagulat..

Tanging yung telephone lang na naka connect sa unahan ang nagiging connection namin rito sa likod.. kumbaga.. VIP seat kasi itong likuran kung saan pwede mong isarado yung bintana sa loob na naka connekta sa unahan.. gets nyo?

Agad namang nag ring yung phone rito sa van..

Sinagot ko naman..

"Hello?"

(Aba anak! Kelangan private talaga?) Si papa yun huh?

(Baka may gawin sila.. hahahaha) pangungulit ni tito.. natawa nalang ako..

"Papa.. sandali lang ito.. at tatanungin ko lang kung bakit tampururot.. hahah" sambit ko saka ko na binaba yung phone..

Ito namang katabi ko.. nakatanaw lang sa malayo..

Kinalabit ko sya..

"Huy.. Mine.."

No answer..

"Mine to earth!"

Still.. not answer

Hinarap ko naman sya..

"Mine.. sabihin mo naman sa akin kung bakit ka nagtatampo oh.. may mali ba akong nagawa? May masama bang nangyare? May masakit ba sayo?" Sunod sunod kong sambit sa kanya..

Tiningnan nya lang ako.. at bumuntong hininga lang sya..

"Nanghihinayang lang naman ako kasi-----" di ko na sya pinatapos at dali dali ko na syang hinalikan..

Alam ko.. kanina ko pa alam kung bakit sya ganoon na lang ka lugi yung mukha nya.. tsk.. di nya man lang masabi sa akin.. psh..

Yung deal namin kanina.. haha.. kaya pala..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now