#14 his problem

397 24 0
                                    

Halos isang linggo na ang nakakaraan magmula ng umuwi kami galing sa Bohol..

Di ko pinapakita kay Steve na may problema kay Angel na dapat wag nya iyon mahalin..

Halos dalawang linggo nya na rin itong nililigawan.. mapa bahay man o mapa school.. halos araw araw..

Pinag sabihan ko na si Angel na wag nyang sasagutin si Steve.. pero ang tanging sagot nya lang sa akin? 'Wag kong sasagutin? Tapos ikaw ang sasagot? Pero ako ang nililigawan kaya wag kang mangielam kung sasagutin ko sya o hindi'

Pakawalang kwenta lang..

Gusto kong sabihin iyon pero ayokong mag away kami..

Pero di ko rin mapigilan at kelangan ko ng sabihin sa kanya.. gusto kong di sya masaktan..

Play girl si Angel.. at isa sya sa mga anak ni Santanas.. di ko hahayaang masaktan sa huli ang bestfriend ko..

Not now or ever..

"Kylie.. huy nakikinig ka ba?" Ay kasama ko pala yung tatlo kong kaibigan..

Si Pao.. Si Raiven.. at Si Lovely..

"Tss.. di yan nakikinig friend.. ang lalim ng iniisip eh" sabi ni Lovely..

"Hay.. ano ba yang iniisip mo?" Tanong ni Raiven..

"Akala mo ba Pao di ko natatandaan kung sino yung Josh na kasama mo?! Yun yung iniisip ko! Ipakilala mo sa akin yun!" Sigaw ko sa kanila.. di na ako naging cold pa sa kanila.. yung natural lang.. pero pag iba na ang kausap ko nag iiba rin ako syempre..

At kaya yun na muna ang ginawa kong alibi kasi tutuksuhin nanaman nila ako kapag nagkataon si Steve ang iniisip ko..

Alam na nyang pinsan ko si Angel.. nung una nainis sya sa akin kasi nahihirapan daw syang humanao ng information tungkol doon sa bruha kong pinsan tapos malalaman nyang pinsan ko lang daw pala yun..

Pero nag kaayos rin kami nun.. di naman namin matitiis ang isat isa eh..

Nabalik nalang ako sa katawang lupa ko ng magsalita si Pao at inalog pa ako nung dalawa..

"What!?" Inis kong sabay sa kanila..

"Kanina pa kasi kami salita ng salita dito iba na yang iniisip mo! Panis na panis na yung laway ko!" Inis na sabi sa akin ni Pao.

"Tsk.. sige from the top.. makikinig na talaga ako" sabi ko..

Napahinga naman sila ng malalim tapos sinapo pa yung noo sabay iling.. sabay sabay pa sila huh?

"Di na.. hay.. kakaiba ka talaga.." sabi ni Pao.. natawa lang yung dalawa..

Bigla namang nag ring yung phone ko..

"Wait lang.." sabi ko saka ko sinagot yung tawag.. at dahil ka close ko na sila di na ako lumalayo kapag may kinakausap ako.. wala kasi kaming mga secrets at may mga trust naman kami sa isat isa..

Best<3.. calling..

Si best pala.. bakit naman sya tumawag?

"Oh.. si Steve your loves pala eh.." panunukso ni Raiven sa akin.. sinamaan ko naman sya ng tingin.. samantalang yung dalawa nagpipigil ng kilig..

Tsk..

Sinagot ko na yung tawag..

"Oh? Bakit?" Sabi ko..

(Best.. dumating na ang kinatatakutan ko)

Napatayo naman ako sa kinauupuan namin.. halata namang nag alala yung mga kaibigan ko sa akin..

Fall Inlove With My Manhid Bestfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن