last chapter 4: 'I hate you'

182 8 2
                                    

Continuation..

Binilisan ko nalang ang pag da drive at finocus ang sarili ko sa pag da drive..

Hanggang sa makarating na kami sa bahay nila Steve..

Ginising ko na sya at inalalayan bumaba ng sasakyan..

"Magpagaling ka huh? Uminom ka ng gamot mo" alalang sabi ko sa kanya..

Nakapikit mata syang tumingin sa akin.. siguro'y masakit parin ang ulo nya hanggang ngayon..

Pumasok kami sa bahay nila.. may duplicate na kasi ako ng bahay nila.. ganoon talaga kami nag ke care.. wala ng ilangan sa pagitan namin..

Inilagay ko sya sa kama nya ng makaakyat kami sa kwarto nya..

Agad nyang binalot ang kanyang sarili sa kumot at agad ko namang tinurn off ang aircon dito sa kwarto nya..

Binuksan ko ang terrace nya at ang dalawang malaking bintana malapit lang sa kanyang kama..

"Kylie malamig parin.. paki sarado nalang yan" sabi nya sa akin..

"Hindi pwede Steve.. kelangan mong tiisin yang lagnat mo.. naka ilang beses ka naman na nagkaroon ng lagnat sa storya natin? Pangatlo na yata ito eh.. di ka parin nasasanay.." natatawa kong sabi sa kanya kaya napangiti sya..

"Its nice to see your smiling face Kylie" sabi nya.. kaya medyo nawala ang pag ngiti ko sa aking mga mukha at umiwas na lamang sa kanyang nga titig.. feeling ko kasi naiiyak nanaman ako..

"Ahmm.. gagawa lang ako ng chicken soup sa baba.. saka kukuha narin ako ng gamot.." pagpapaalam ko sa kanya saka na ako bumaba at dumiretso na sa kusina ng may marinig akong nag uusap sa sala..

"Nasaan na kaya sila Kylie at Steve?" Ay.. si tita Silvia lang pala ito..

"Hon.. di kayay nagtanan na ang dalawang iyon?" Agad akong napahawak sa aking bibig.. tanan!? Seriously!

"Hay.. mas gugustuhin ko pa ngang magtanan nalang ang dalawang yun kesa sa ipakasal sila sa kapwa nila di mahal.. biruin mo.. yung tatay nung Prince na yun ang syang may pinaka malaking shares ng kumpanya natin.. tapos di pa natatapos yung kontrata i ka cancel nya para lang ipam blockmail sa atin?" Ha? Si tito Raul ang may kasalanan? Bakit?

"Sa pagkaka alam ko hon.. may gusto si Prince kay Kylie.. si Klarisse naman sa anak natin.. mga magkakaibigan sila noong mga bata pa sila pero diba nag migrate na sa ibang bansa yung dalawa?.. then ang parang nangyare.. nag selos sila Prince noong nalaman nyang engage na sila Kylie at Steve.. kaya siguro umabot sa ganitong sitwasyon ang lahat.. masyado ng naging kumplikado.." agad na nagsituluan ang mga luha ko sa narinig ko mula kay tito Rayan..

"Sa pagkakakilala ko kay Prince.. di sya ganyang bata.. mabait sya at friendly.. pero bakit nagawa nyang blockmailing nya tayo gamit ang shares ng tatay nya sa kumpanya natin? Bakit nya nagawang saktan sila Kylie at Steve?"

"Lahat ng tao nagbabago Silvia.. di malayong mangyare na malayo ang loob ng anak natin sa atin.. at ni Kylie sa mga magulang nya.."

"Bakit ba kasi natin inuna ang kumpanya kesa sa mga mararamdaman ng bata?.. bakit sila pa ang kelangang mag sakripisyo para lang masalba ang kumpanya?"

Naiiyak na ako sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon.. kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko saka ako nagluto ng chicken soup..

Nag cold ako habang nag luluto..

Langya! Talaga! Ang kapal ng mga mukha nila!

Nang matapos na ang niluluto ko ay agad ko na itong inilagay sa bowl then kumuha narin ako ng gamot.

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now