#27 plan

393 21 0
                                    

Sabado!

Wala kaming pasok!

Yahooo!!! Yahooo!!!!

"Sweety! Are you done?!" Sigaw ni mama mula sa baba..

"Yes ma! Wait for me!" Sigaw ko sa kanila habang inaayos ang gamit ko sa bag kong jansport na pink..

Masayang masaya ako ngayon and at the same time excited na ako!

Pupunta kaming Zambales! Maliligo kami sa beach! Yahoo!!! Sabi kasi nila mama at papa gusto daw nila akong maka bonding bago sila umalis para sa business trip nila sa Singapore..

And of course kasama namin si Steve at sila tito.. pati narin si Danica..

Gusto ko sanang isama yung mga kaband mates ko kaso nga lang may kanya kanya silang aasikasuhin ngayon kaya di sila makakasama..

Pero at least masosolo ko sila mama at papa ngayon.. wag lang eepal yang si Danica..

Bumaba na ako marapos kong macheck lahat ng kakaylanganin ko..

"Ma! Punta na ako sa Van!" Sigaw ko sa kanila kasi may ginagawa pa sila sa kusina..

Lumabas na ako ng bahay saka ako pumasok sa Van.. nasa iisang van lang naman kami.. kaya for sure kasama namin sila Steve..

Hinila ko n at inislide ko na yung sliding door ng van.. kaya naman bumulaga sa akin si Steve kasama sila tita at si Danica..

Uupo na sana ako sa unahan ng biglang sumingit si Jas..

"Anong ginagawa mo dito!?" Sigaw ko na nakapagpatingin sa akin ng mga tao sa loob..

Ngumisi naman ng nakakaloko tong mokong na to..

"Usap tayo.. sa labas" sabi nya kasi tumingin sya kay Danica..

Tumango lang ako..

Lumabas na kaming dalawa saka kami medyo lumayo sa van..

"Whats the prob?" Tanong ko..

"Kelangan ko ang tulong mo Ky.." sabi nya.. napakunot naman ang noo ko.. anong problema nito?

"Sweety! Halika--- oopss! Sorry! Sige usap na muna kayo!" Sigaw ni mama ng makitang nag uusap kami at nag peace sign pa..

Tumingin nalang ako uli kay Jas..

"Nagkausap na kami ni Angel.. gusto naming palabasin na kunwari aayaw kaming dalawa.. di naman makaka abot sa parents naming dalawa yun.. kesa naman matuloy yung balak nitong magpakasarap sa yaman namin ni Danica.. di naming dalawa hahayaan yun.." sabi nya sa akin..

Napangisi naman ako sa sinabi nya.. I like that idea..

"So anong maitutulong ko?" Tanong ko..

Ngumisi naman ng nakakaloko tong mokong na ito..

"Be my girlfriend"

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya..

"Eh sira ulo ka pala eh!" Sigaw ko sa kanya..

"Yun lang ang paraan.. pumayag ka naman na oh.." sabi nya at nag puppy eyes.. alam nya talaga kung paano ako mapapapayag..

"Paano si Angel?" Tanong ko..

"As Ive said.. pumayag na sya.. actually sya pa nga ang nagsabi na yun ang magiging plano natin.." sabi nya.. di pa naman ako makapaniwala ay tumango tango na ako sa kanya.. ngumiti naman sya ng malapad saka ako niyakap..

"Tsk.. ilang days?" Tanong ko..

Kumalas naman sya..

"3 days lang naman.. papakita lang natin sa kanila na tayo ay couple.. matapos nun.. papalabasin nating break na tayo.." sabi nya.. napangiti naman ako habang tatango tango..

"So.. ibig sabihin.." sabi ko.. tumango naman kaagad sya na para bang oo ang sagot nya..

"Kasama ako.. love.." agad naman akong napangiwi sa sinabi nya..

"Mandiri ka nga" sabi ko na para pang diring diri sa sinabi nya..

"Haha.. oo nalang.." sabi nya saka ako inakbayan..

Tumawa nalang ako sa kanya..

Pumunta na kami sa van..

Pero bago kami pumasok sa van hinarangan na kaming dalawa ni papa at mama..

"Anak.. umamin ka sa amin ng papa mo.. wag kang magsisinungaling" sabi ni mama sa akin.. napakunot naman ang noo ko..

Tumango nalang ako..

Huminga muna ng malalim si mama saka sya nagsalita.. "anak.. buntis ka ba?" Tanong ni mama ng seryoso..

Napatingin naman ako kay Jas na syang nakatingin rin sa akin with matching question mark pa sa mukha..

Agad namang umalingawngaw ang tawa naming dalawa ni Jas..

Ang sakit na ng tyan ko kakatawa at kakahagalpak sa kaatawa sa sinabi nila mama at papa.. samantalang nakita naman namin sila mama at papa na parang naguguluhan sa aming dalawa..

"Hahah.. ano.. hahah.. ma?.. pa?.. hilo na kayo?" Tanong ko sa kanila habang humahagalpak sa kakatawa..

"Ha? Bakit? Totoo ba?" Sabi ni papa..

"Tito.. hindi noh! Bakit naman sya mabubuntis?" Sabi naman ni Jas na parang nakarecover na sa kakatawa nya..

"Mama! Anong pinagsasasabi nyo? Paano nyo naman nasabi yan?" Tanong ko sa kanila..

"Eh kasi.. akala ko nabuntis ka na ni Jas eh.. may payakap yakap pa kayo" sabi ni mama saka ngumisi sa akin.. kita ko naman si papa na ngumingiti ng nakakaasar..

"Ahm.. by the way.. mama.. papa.. si Jas nga pala.. I know you two know him already.. but.. ngayon.. iba na.. he is not just my handsome(ehem) bestfriend.. but.. he is my boyfriend.. 4 months na" sabi ko sa kanila..

Agad namang nanlaki ang mga mata nila.. ako naman ngiting ngiti lang sa kanila..

"Pero paano yung engagement?" Tanong ni mama..

"Tita.. alam naming mahirap para sa akin ito.. pero di ko mahal si Angel.. mahal ko si Kylie.. naka usap ko na sila mom and dad.. at okey na sila.. ewan ko nalang si Angel.. aaminin sana namin sa kanya pagdating sa Zambales.." sabi ni Jas saka ako inakbayan..

Sandali silang natigilan.. tapos bigla nalang silang ngumiti.. "atleast.. your honest.. and to you iho.. sana alagaan mo si Kylie namin.. kundi malalagot ka sa akin.." sabi ni papa.. "iuuntog kita dito sa muscles ko.." sabi nya at pinakita ang muscles nya.. natawa nalang kami..

Binara naman sya ni mama.. "wow.. parang wala naman.. puro hangin eh.." sabi nya.. sinamaan tuloy sya ng tingin ni papa.. "abat.. titingin ka pa eh.. tusukin ko yang mata mo" sabi nya kaya natawa nalang kami muli..

Pumasok na kami sa loob at saka tumabi sa akin si Jas.. nasa loob palang kami ng van eh pinapakita na namin kay Danica na sweet kami..

Nasa likod pa naman namin sila.. talagang sang ayon ka sa akin ngayon.. hahaha..

Mainggit ka Danica.. hahahah..

Minsan nga sinasabi ko kay Jas na kunwari hahalikan nya ako.. ito namang mokong na ito pakipot pa.. tsk.. hahaha.. minsan nga kinukulit ko sya eh.. inaamoy ko yung leeg nya.. napapahiwalay nalang sya sa akin.. tapos sasabihin nya nakikiliti raw sya.. hahaha.. talagang alam ko ang kiliti nya.. sya naman naka yakap lang sa akin tapos nakasandal lang ako sa kanya.. tapos isa pa yung jacket na pangkumot namin.. minsan nga pagnakikita kami ni mama at papa aasarin pa kaming dalawa..

"Love..(-___-) tulog ka na muna" sabi ni Jas sa akin.. halatang pinaringgan nya yung kabila.. hahahah.. good job!

"Okey.." sabi ko sa kanya saka sya hinalikan sa pisngi..

"Psh.." rinig naman naming sambit sa kabila.. boses yun ni Danica..

Napangiti naman kaming parehas.. mukhang inis sya..

"Yes.." sabay naming bulong ni Jas saka kami humagikgik..

Matapos nun ay nakatulog na ako..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now