chapter Y- relationship

182 7 1
                                    

Kylie's POV

"Mine! Ayoko sabing suutin yan eh!" Pagmamaktol ko rito kau Steve.. biruin mo naman pinapagsuot ako ng night gown para raw flawless ako kung sakaling maging mag asawa na kami..

Yun daw yung susuutin ko..

At ang masaklap pa! Matutulog sya mamaya sa bahay!

Well wala naman kasi kami sa Manila ngayon.. nasa America kami kasi nagpatawag ng sembreak si tito ng dahil sa merong mahalagang occasion na dadaluhan ang mga teachers and principals kaya walang pasok ng mahigit isang linggo..

Naririto kami ngayon sa America.. at oo titira kami ngayon sa bahay namin.. hay!

Pero kasama namin sila mama at papa pati narin ang mom and dad ni Steve..

At ngayon para nanaman kaming asot pusa na nag aaway ng dahil sa susuutin ko..

"Maganda naman ah! Bagay na bagay nga sa ka seksihan ng future wife ko eh" ngisi nyang pagsabi habang nakatapat parin sa akin ang damit at tinitingnan ito na parang iniimagine nya na suot suot ko yun..

Hinawi ko naman yun "eh ayaw ko nga eh.. halos lumabas na nga panty ko dyan kapag suot ko na yan! Ayoko!" Pagmamatigas ko sa kanya..

"Mine.. mahaba yan di ka naman masisilipan nyan eh.. at saka para lang naman ito sa ikagiginhawa mo kapag natulog ka mamaya" sabi nya..

"Ang sabihin mo sisilipan mo lang ako mamaya at pagnanasaan.. manahimik ka nga!" Sigaw ko muli sa kanya..

Napasimangot naman nyang inihang uli yung night dress doon saka na sya nagpatuloy sa paglalakad..

Hay mabuti naman at natigil rin ang lalaking yun..

Nagpaiwan ako at tiningnan muli yung night dress..

Maganda naman sya at mukhang masarap suutin..

Actually kanina ko pa gustong bilhin toh.. gusto ko lang kasi mawala na si Steve para mabili ko na sya at di nya ako pagtawanan mamaya.. hahaha!

"Miss let me have this one" Nakangiti kong sabi sa lumapit sa aking saleslady..

"Okey mam.." sabi nya saka kinuha ang night dress.. susunod na sana ako muli sa kanya ng may mahagip muli ang aking mga mata..

Agad ko iyong nilapitan saka ko yun kinuha narin..

"And this.." pagsabi ko sa kanya..

"Okey mam.." sabi nya saka na kinuha iyon at pumunta na sa cashier..

Mabilis lang at nabayaran ko na yun agad saka ko na sinundan si Steve sa parking..

Pagkapunta ko roon ay nakita ko pa syang naka earphone habang nakasandal sa kotse..

"Lets go" sabi ko sa kanya kaya agad nyang tinanggal ang earphone nya saka na sya nagmamadaling pumasok narin ng sasakyan..

Tahimik ang byahe namin.. malamang ay pagod rin kaming dalawa kaya naman nakatulog ako ng konti saka nagising ng makarating na kami ng bahay..

Binitbit nya na ang ma groceries at tumulong rin sa kanya si Ninong ako naman binitbit ko lang iyong binili kong night gown..

At..

Haha! Boxer shorts na spongebob ang print with sando na terno rin sa boxer na ito..

Bagay na bagay to kay Steve.. ngayon palang natatawa na ako habang naiimagine kong suot suot nya ito para mamaya..

Pumasok na kami sa loob ng bahay saka kami sinalubong ng mga parents naming masayang nag bi videoke sa salas..

"Oh.. mukhang nagkakasiyahan kayo huh?" Tanong ko sa kanila habang tinatanggal ang step in na suot suot ko..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now