#24 family problem

383 24 0
                                    

Lumipas ang araw at uuwi na kami ngayon dito sa Bohol..

At talaga namang walang imikan ang nangyare sa pagitan ko at ng mga magulang ko..

Happy diba?

Di ko lang lubos maisip na lahat nalang sinakripisyo ko na ng dahil kay Steve.. nakaka inis ang idinudulot kong pagmamamahal para sa kanya.. nababaliw na ako..

And the worst.. nasasaktan ko na ang mga tao sa paligid ko.. specially my parents..

Pauwi na kami ng Manila ng biglang tumabi sa akin si Josh.. napatingin naman ako sa kanya..

"Bakit?" Tanong ko.. tiningnan nya naman ako ng seryoso..

"Anong ginawa mo this past few days.. bakit mo binastos ang mga magulang mo?"seryoso nyang tanong.. naalala ko kasi na natulog si Josh sa mga magulang nya sa Bohol.. at talaga namang tuwang tuwa sila.. kaya naman naiinggit ako sa kanya..

Ngumiti lang ako ng matamlay sa kanya.. "masakit.. pero kelangan ko yun gawin.. para tuluyan na akong maka move on.." sabi ko sa kanya at tumingin sa labas ng eroplano..

Narinig ko namang napabuntong hininga sya..

"Kung yan ang gusto mo Besty.. susuportahan ka naming mga kaibigan mo" sambit ni Josh.. kaya naman napatingin ako sa kanya saka ko sya niyakap..

Di ko narin naiwasang mapa iyak sa kanya.. kung naging totoong lalaki lang tong bakla na toh.. malamang siguro gusto ko na sya ngayon.. napaka caring at napaka bait nya.. sya lang ang naging ganito ko ka close sa kanilang apat.. at talaga namang lahat naman kami ay naging close sya..

"Tsk.. kasalanan toh ng puso ko.. bakit ba kasi kelangan pa nyang tumibok sa pusong wala namang pag ibig para sa kanya?" Sabi ko sa gitna ng pag iyak ko..

"Dont worry.. everythings going to be alright.." sabi nya saka nya ako niyakap.. masaya ako at may ganito parin akong kaibigan sa kabila ng mga kat*ng*han ko sa buhay ko..

Ewan ko pero nakatulog nalang ako kakaiyak habang nakayakap kay Josh..

***********

Nandito na kami sa Manila.. at talaga namang wala paring naganap na pansinan sa pagitan namin ng mga magulang ko.. tsk.. nakakainis na talaga..

Gustuhin ko mang magsorry sa kanila.. nahihiya na ako sa mga pinag gagagawa ko sa kanila.. at mukhang galit talaga sila sa akin kaya naman napatahimik nalang ako sa isang tabi habang nakikiramdam sa kanila..

Di ko maiwasang malungkot sa mga nangyayare sa buhay ko ngayon.. nakakahiya sa kanila.. napaka bastos kong anak!

Nag hiwa hiwalay na kami ng way sa airport saka kami umuwi..

Doon ako pumwesto sa likuran.. doon sa pinaka likuran ng van kung saan walang nakakakita sa akin kung umiyak man ako..

Nakita ko naman si Danica na nakangisi habang umupo sa pangalawa sa harapan.. mabuti at di sya tumabi sa akin at baka makaranas sya ng flying kick ko!

Bad trip ako ngayon.. at sya lang naman ang pinag ugatan ng lahat ng ito!

Kundi dahil sa kanya.. di sya mamahalin ni Steve.. kundi dahil sa kanya.. papayag si Steve na pakasalan ako kasi bestfriends naman kami.. pwede nya akong magustuhan.. at kung di dahil sa kanya.. siguro walang problema ngayon..

Pabalikin ko na kaya toh ng California? Nakaka irita na kasi eh.. promise..

************

Sa bahay..

Alam nyo bang nakakabingi? Nabibingi na ako sa sobrang katahimikan!

Wala man lang nakakaramdam sa akin..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now