Chapter 61: Behind

75 1 0
                                    


Continuation...


          Naglalakad ang isang babaeng nag ngangalang Celestine sa palengke nang mautusan ng kanyang tiyahin na bumili ng mga pang gulay sa karinderya nito. Tila wala sa sarili ang dalaga sa pagkat nag kakagulo na ang lahat sa kanyang paligid at tila baliwala naman sa kanya. Nag hahabulan ang mga pulis at mga kawatan sa buong palengke wala siyang pakialam kung sasakyan man o kapwa tao na ang nakakasagi sa kanya tila nais pang magpakamatay ng babaeng ito.


       At dahil wala sa sarili ang babaeng ito may dumaan na kawatan sa kanyang harapan at nahablot ang kanyang bag ngunit tinitigan niya lamang ito hanggang sa biglang nahimas masan ang dalaga sa pagiging wala sa sarili at lumapit sa isang pulis upang humingi ng tulong ngunit hindi din naman niya nabawi ang kanyang dalang bag.


"Parang masayang masaya ka yata kuya?"usisa ni Ilayda ng makauuwi sa kanilang tahanan si Khyle.

"Eh kasi manok ang ulam natin ngayon!" magiliw na niyakap si Khyle ng mga bata. Nang gabing yun ay tila binagabag ng kanyang konsensiya si Khyle matapos makita sa lumang pitaka ng babaeng ninakawan niya ang isang litrato na may isang mensaheng nakapaloob.


"A-anong koneksyon ng larawang ito saakin?" tanong niya sa kanyang sarili ng biglang sumakit ang kanyang ulo at tila may mga kakaunting ala ala na bumabalik sa kanyang memorya.

       Simula noon ay nag dadalawang isip na si Khyle kung ipag papatuloy pa ang maling gawain ngunit napatingin naman siya sa dalawang bata na nahihimbing sa pagtulog sa kanyang katabi...hindi niya kayang tiisin ang mga ito sapagkat minahal niya na ito bilang tunay na kapamilya.

FLASHBACK's END

_____

          Huminga ako ng malalim alam kong ito na ang tamang panahon upang harapin ko ang aking responsibilidad bilang hari ng aking bansa...tama ito nga ang umpisa nang aking pag upo sa trono ng aking amang hari...hindi ko kayo bibiguin Ama...pati rin ikaw Kuya Jeremy, naway mapatawad mo ko kung may mga inisip at sinabi man akong hindi dapat....hindi ko sukat akalaing wala ka na pala...


"Paumanhin mahal na hari pero may dapat po kayong malaman" tugon ng mayordomo habang kami ay patungong palasyo.

"Ipagpaliban mo muna ang sasabihin mo....sa ngayon nais kong magpakita sa media at makausap ang aking ina." tugon ko

"Ano pong inyong binabalak?"

"Kukumbinsihin ko ang aking ina na hiwalayan si Francis....nararamdaman ko may kinalaman sa naganap na kaguluhan ang hayop na yun!"

"Marahil sang ayon nga po ako sa inyong sinabi pero paano niyo naman papatunayan na may kinalaman nga si Prinsipe Francis ukol dito"

"Mag hahanap ako ng maraming proweba...isa pa na ngako ako kay Celestine na ibabalik ko ng buhay sa kanya si Khyle...hindi ako dapat mabigo kailangan hanapin ko si Khyle."


           Pagdating ko sa palasyo...tila nagulat ang lahat saaking pag babalik hindi ko inaasahang kaagad naman akong sasalubungin ng aking ina.


"Jharo.....anak! what happend to you? saan ka galing?" tinignan niya ko mula ulo hanggang paa at tila nag tataka din kung bakit ganito ang aking itsura.

"May dapat tayong pag usapan" sabi ko at kaagad kaming tumungo saaking silid.


"Jharo...bakit bigla ka nalang nawala after coronation? hindi mo ba alam na nag alala ako ng husto at hindi ko alam ang gagawin ko kung pati ikaw ay mawawala na din saakin?" sampit ng reyna.

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now