Chapter 65: Reality

61 0 0
                                    



                       Nagpunta ako sa monorkiya ng nasabing prinsipe upang alamin at kilalanin kung sino ba talaga siya at saaking pag sasaliksik ay nadiskubre ko ang pakikipag ugnayan ng kanilang pamilya sa mga Hamilton.

"Karl? Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Doctor Abueva na isang malapit na kaibigan ng aking ama (si doctor Abueva din yung tumapik kay Khyle sa simbahan noon at hindi niya alam na nakatakas si Jeremy sa ospital sapagkat siya ay palipat lipat ng bansa.)

"Doctor? Talaga palang kahit anong tago ko saaking sarili eh makikilala at makikilala niyo ko"

"Sa tagal kong nag lingkod sa inyong ama....ikinalulungkot kong malaman na namayapa na siya ako ay nasa Rome ng mga panahon na yon"

"Nag iispiya ako sa kalaguyo ng aking ina kaya ako narito at hanggat maaari ay ayaw ko na may makaalam na narito ako"

"May sakit ang ina ni Francis kaya naman ako ay narito....hindi ko inaasahan na tila totoo ang balita tungkol sa iyong ina at kay Francis"

"Kung ganun ikaw din ang doctor ng kanilang pamilya?"usisa ko.

"Karl....pantay pantay ang pag aaruga ko sa aking mga pasyente at trabaho lamang walang perosnalan" sagot niya. Nakasanayan niya ng tawagin ako sa second name kong Karl sunod sa aking ama at Jharo naman ang pinalayaw niya saaking kapatid sapagkat mahaba daw ang Jezreid Harold Gustave napaka daming ngalan ni Jharo na hango sa mga nakakaraang hari.

"Marahil tama nga po kayo pero wag niyo po sana sasabihin kahit kanino na ako ay wala saaming bansa"

"Wala naman akong layunin makialam pa sa mga issue ninyong mga royal families kaya naman matagal ko ng nais sabihin sainyong ama ang tungkol sa pagbisita madalas dito ng reyna pero di ko ginawa."

"Alam mo na matagal ng may ugnayan ang aking ina kay Francis?"

"Marami akong nalalaman ngunit ayoko makialam"

"Nakikiusap po ako sabihin niyo saakin ang lahat ng inyong nalalaman"

"Pero paano naman ang aking kaligtasan?"

"Makakapagkatiwalaan mo ako Doctor...bilang pasasalamat sa paninilbihan mo saaking ama ay sinusuguro kong hindi ka mapapahamak pangako."

"Kung ganun halika wag tayo dito mag usap." Pumunta kami sa isang underground na lugar.

"Dito ka nakatira?" usisa ko.

"Kailangan kong protektahan ang aking sarili kaya walang nakakaalam ng lugar na to bukod sayo....mas mabuti na ang alerto."

"Mapagkakatiwalaan niyo ko at sinisuguro kong hindi kayo mabibigo"

"Nag umpisa ang lahat sa isang pulong ng reyna sa isang karatig na bansa tila doon sila nagkakilala ng Francis na yon at tila sunod sunod na ang kanilang pag kikita hanggang sa isang araw habang ako ay nasa silid ng inyong ama upang dalan siya ng panibagong gamot narinig ko ang usapan ng reyna at ni Francis....sinabi niya na mahina na ang lagay ng hari at konting taon nalang tila mababakante na ang trono batid ko din na iniibig ng inyong ina ang binata sapagkat iba ang kanilang mga tinginan sa isat isa sa tuwing nakakasalamuha ko sila sa mga okasyon tila nahulog na ang loob niya kay Francis na halos ka edadan mo lamang"

"Hindi ko akalain na ganun kabilis mahulog sa bangin ang aking ina"

"Kinalulungkot ko pero batid kong mas lalong hindi mo magugustuhan ang aking ibabalita sayo"

"Ano yun Doctor?"usisa ko.

"Nakipagka sundo ang hari ng monorkiya nila Francis sa inyong ama na ibibigay ang buong nasasakupan nito kapalit ng kayamanan ng inyong bansa".

Searching the Casanova's PrinceUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum