Chapter 71: A King

38 1 0
                                    



                 "So sinasabi mo ba na ang babaeng yan ang siya din tinutukoy na inibig noon ni Jeremy? Tila umiibig ang magkapatid sa iisang babae." Sagot ni Aleonah

"Anong sinasabe mo?" usisa ko.

"May pagtatangi ang bagong hari sa babaeng yan at nakakasagabal siya sa pag upo ko sa trono ng namayapang reyna....ikinalulungkot ko Francis mukang hindi ka na talaga mag tatagumpay sayong mga pinaplano."

"Marahil tama ka jan mahal na Prinsesa"

"Mahal na Reyna"pagtatama ni Aleonah.

"Oo...hindi sumang ayon ang aking mga plano ngunit batid mo na ako ay handing tumulong sayo at gagawin ko lahat ng iyong nais."

"Salamat naman kung ganun, Francis."


            No choice naman ako....hindi ko alam tila biglaan ang pagkamatay ng reyna at dahil hindi ako makapasok sa palasyo si Aleonah lamang ang aking daan upang makasagap ng balita ukol dito...hindi man ako sangayon sa kanyang mga plano ngunit tila wala na kong magagawa kung di makipag ugnayan sa kanyang nais at mga pinaplano.

"Batid mo na ba ang kinamatay ng reyna?"

"Usap usapin na ito ay tinamaan ng malubhang karamdaman bakit tila nalulugkot ka? Talaga bang nahulog na ang loob mo sa hukluban na yon?" sabi niya ngunit sa mga oras na ito ay ayaw kung pag usapan ang bagay na yun...ngunit ako'y nalulungkot sa pagkat hindi ko man lang masilayan ang reyna at wala akong alam ukol sa kanyang kaamdaman.

"Tama na Aleonah...ngayon sabihin mo saakin kung ano ang binabalak mo sa babaeng yan" matapos mahagip ng aming paningin si Celestine ay kaagad siyang hinawakan sa kamay ng mga kawal ni Aleonah.

"Alam kung hindi siya matitiis ni Jharo alam kung pupuntahan at pupuntahan nila ang babaeng yan...lalo na at batid kong hindi hahayaan ni Jeremy na masaktan ang babaeng iniibig niya."

"Pakiusap...kung ano man ang inyong masamang binabalak ay wag niyo na sanang idamay pa ang mga bata lalo na at ang isa sa kanila ay hindi ayos ang nadarama."sampit ni Celestine.

"Manahimik ka! Magbigay galang ka sa inyong bagong Reyna!" hiyaw ni Aleonah.

             Nakaramdam ako ng pagkaawa sa babaeng yun hindi ko alam kung paano siya nahanap ni Aleonah pero marahil tama si Aleonah talagang magagamit naming ang babaeng ito upang linlangin ang bagong hari at ang kanyang kapatid lalo ngayong batid namin ni Aleonah na tila iisang babaeng ang nakakuha sa kanilang puso.


________

"Jharo..." hindi na ko kumatok pa sa kanyang silid at dahan dahang pumasok...nag talukbong naman siya ng kumot.

"Kung narito ka upang pakiusapan akong wag ng sumama sayo ay sinasabi kong hindi magbabago ang aking desisyon." Tugon niya.

"Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa aking sarili kapag may ngyaring masama sayo isa pa hindi ko mapapatawad ang sino mang manakit sayo! Hayaan mong ako na lang ang gumawa nito"

"Hindi."

"Kailangan ka ng bansa! Kailangan ka ng mga tao sa iyong nasasakupan paano nalang kung may mangyaring masama sayo! Isa pa...hindi pa naiilibing ang ating ina."

"Kaya naman mailigtas si Setong ng hindi katagalan! Alam kung makakabalik tayo kaagad! Nang ligtas kasama sila."

"Iiwan mo talaga ang palasyo? Paano ang banta ng mga Hamilton?"

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now