Chapter 52: Tears of Truth and Hatreds

95 2 3
                                    

         "Jharo? anong nangyayari dito?" sampit ng reyna. Kinakabahan ako pero hindi ako dapat matakot! dapat kung ipaglaban ang karapatan ko! ngayun alam ko na ang tunay na dahilan kung bakit pinaglalayo nila kami ni Jeremy noon hinding hindi na ko aatras!

"Anong ginagawa ng babaeng ito sa palasyo!" dagdag pa ng reyna.

"Sinasabi ko lang naman po kay Jharo na wag na siyang umasang babalik pa ang kapatid niya! para saan pa? eh hindi naman na darating ang hinihintay niya! umaasa lamang siya sa wala"

"Anong sinasabi mo!" hiyaw ng reyna

"Wag na po kayong mag maang mangan! alam ko na, alam ko na na si Mark at si Jeremy ay iisa! kaya naman pala todo ang paglalayo ninyo saamin, pinag mukha niyo kong tanga! dahil ba sa hindi ako prinsesa kaya ayaw ninyo saakin? kaya ba inilihim niyo saakin ang katotohanan dahil isang ordinaryong mamamayan lang ako? kaya pala ganun nalang kainit ang dugo ninyo saakin!"

"Setong tama na...." saway ni Jharo pero hindi ko siya pinansin.

"Ano bang gusto mo para tuluyan mo ng layuan at tigilan ang pamilya ko!" sagot ng reyna.

"Suhol po ba yan mahal na reyna? para saan? para manahimik ako? para hindi malaman ng buong nasasakupan ninyo ang lihim ng palasyo niyo? wag kayong mag alala...hindi ko kailangan ng kapalit sa pananahimik ko" nang gagalaiti ako kaya naman kusa nalang akong umalis baka kung ano pa ang masabi ko sa reyna...madami pa kong gustong sabihin at itanung pero nauunahan ako ng galit...hindi pa ngayun Setong...kalma lang.

KHYLE's POV: grabe ngayun ko lang nakita na nang gagalaiti sa galit si Setong...kung ganun alam niya na pala...pero kailan pa? paano? nararamdaman ko na sobrang nasasaktan siya sa mga oras na ito...wala siyang kaalam alam sa tunay na ngyari att kung tutuusin biktima lang siya ng pag mamahal...isang pagmamahalan na nauwi sa masalimuot na nakaraan..

"Jharo saan ka pupunta!" hiyaw muli ng reyna pero hindi ko siya pinansin...kaagad kong hinabol si Setong.

"Celestine!" malapit na siyang makalabas sa palasyo.

"Jharo pwede ba! pabayaan mo muna ko!"

"Celestine! makinig ka muna kasi sandali.."

"Para saan pa? hinayaan mo ang mga magulang mo nag masinungaling saakin! hinayaan mo silang pagmukain akong tanga!"

"Pero hindi ko naman alam...wala naman talaga akong alam dahil..."

"Dahil ano? dahil nakakulong ka lang sa apat na sulok ng silid mo?"

"Hindi! Dahil ako si Khyle! hindi ako si Jharo!" malakas kong naisagot sa kanya kaagad...natigilan kami pareha...hindi ko naman sinasadyang masigawan si Setong...

"A-anong sinabi mo?" mahinang tugon ni Setong.

"Wala ka bang napapansin na kakaiba? hindi ka ba nakakahalata? Setong! ako to! ako si Khyle! gustong gusto ko ng bumalik sa mga kapatid ko pero hindi ko magawa! Oo! natatakot ako, ayaw kong malaman ng reyna na impostor ako! hindi ko alam kung paano ko makakaalis sa sitwasyon na ito! pero nung gabing nawala ako...napag kamalan ako ng mayordomo na si Jharo na tila nawawala din ng oras na iyon...Setong! maniwala ka...pakiusap" sampit ko.

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now