Chapter 28: Lost....

146 3 2
                                    

         "Kagabi ka pa nagmumuk-mok tignan mo sabog nanaman yang mata mo!" sabi ni kuya Jason bigla bigla nalang tong pumapasok sa kwarto ko!

"Kuya...hindi ako papasok"

"Nako nako! bakit nanaman ha? nahihiya ka bang lumabas matapos yung ginawa mo kagabi ha?"

"Oo na alam ko namang nakakahiya! pero hindi ako papasok kasi ayaw kong makita si Setong! tiyak magkasama nanaman sila nung Kyle na yun! bakit kasi nagkakilala pa sila!"

"Nako nako! hahayaan mo nalang ba na mapunta si Setong kay Kyle??? yaan tayo eh matagal na kasi kitang sinasabihan na umamin ka na kay Setong tapos ngayon nauunahan ka nanaman iiyak iyak ka! anong magagawa ng iyak mo? bakla ka ba!"

"Bakla kaagad???? ang sakit kaya!"

"Masakit??? eh kung inamin mo na noon! torpe ka kasi!"

"Oo na! kasalanan ko na kasi mabagal ako! naghahanap lang naman ako ng timing eh!"

"Bumangon ka diyan ayusin mo ang sarili mo! kumain ka na"

"Ayaw ko"

"Jeomar ano ba! alam mo kung ako sayo kokompetensiyahin ko sa panliligaw yang Kyle na yan eh! mahina ka!"

"Kuya! Lumabas ka na nga! nilalait mo nalang ako eh"

"Bahala ka nga!" lumabas na nga siya ng silid ko.

         Ayaw ko talagang pumasok! masama pa din ang loob ko! ang sama sama! kainis naman kasi bakit kasi umepal pa yang Kyle na yan! kainis kainis kainis!!!! nagtalukbong ako ng unan sa mukha! >__<!!!!

---------

        Hinatid ulit ako ni Kyle sa restaurant at dahil papasok siya sa palengke mamayang uwian nalang niya ko masusundo ulit hmm hinanap ko si Jeo upang kausapin tungkol sa ngyari kagabi pero hindi nanaman siya pumasok hays! nangongolekta talaga siya ng absent eh!

"Setong...bakit hindi pumasok si Jeo?" usisa ni Ayah.

"Hmm hindi ko alam eh hindi naman niya ko pinuntahan kanina"  hmm alam ko na baka naman galit si Jeo??? aba abah! bakit siya ang magagalit??? kung may dapat magalit ako yun! toyo talaga yun!

"Nako nadadalas ang hindi niya pagpasok"

"Wag kang mag alala! okay lang yun wala yung sakit tinatamad lang talaga yun"

"Sana nga"

"Yaan mo pag nakausap ko yun sasabihin ko ayaw mo sa mga pala absent"

"Setong!"

"Joke lang" nagtawanan kami.

        Minsan talaga ang hirap unawain ni Jeo may pagka moody talaga din ang nilalang na yun hayss pupuntahan ko nalang siya bukas tutal sabado naman off ko...sana naman kausapin niya ko ng maayos!

        Work work work...ayun si Kyle na ulit ang naghatid saakin pauwi buti pa si Kyle masarap kasama nakakatanggal ng stress hays para talaga siyang si Mark napaka palabiro at masayahin yung tinatawag na bungisngis?? haha! ^____^

"Galit ba yung Jeo saakin?" nagulat ako tila naalala ni Kyle yung ngyari kagabi.

"Hmm yaan mo siya hindi nga pumasok kanina"

"Setong ano bang meron kayo?" naging seryoso ang mukha ni Kyle.

"Ah...ha????"

"Tingin ko kasi may gusto sayo si Jeo"

O___O!! "Ano ka ba naman Kyle kaibigan ko yun! bestfriend na parang kuya ko na nga yun kung minsan eh! imposible"

"Siguro ikaw wala kang nararamdaman para sa kanya pero siya?"

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now