Chapter 23: Another

117 2 0
                                    


           Nang makatapos ako sa lahat ng gawaing bahay umupo muna ko sa salas upang makapag pahinga...hmm nasa pamantasan ang mga pinsan ko at sila Tita Ellyn naman ay namalengke madalang na niya kong utusan sa palengke matapos ng manakawan ako hmm bakit ang tagal naman yata nun mamalengke eh tanghali na? hayss nag bukas ako ng kaldero as usual panay tutong na kanin at walang ulam!

"Setong! buksan mo nga ang pinto madami kong dala!" sa wakas dumating na din siya! nakakagutom!

"Heto na po....bakit ang tagal niyo?" tinulungan ko siya sa mga bitbitin niya.

"Kaarawan ngayon ng pinsan mo eh namili ako ng ihahanda mamaya at dito daw sila mag memeryenda kasama ang mga kaklase niya"

"Ay ou nga pala! happy birthday sa kanya! tulungan ko nalang po kayo mag luto"

"Osige hiwain at hugasan mo na yung gagamitin na pampalasa"

"Sige po"

             Hmm mukang madaming handa mamaya tiyak naman na OP nanaman ako at gagawin nila kong waitress so pagkalutong pagkaluto ng mga handa magdadala na ko kila Jeo at pati na din kila Kyle hmm kamusta na nga pala silang magkakapatid? Ilang araw ko na din silang hindi nakikita hmm dadaanan ko na sila mamaya.

"Tita Ellyn baka naman pwede na ang libre tikim! birthday naman ng anak niyo eh...saka tingin ko masarap yan amoy at itsura pa lang"

"Bolera ka talaga osige kumuha ka na" luto naman na ang ibang handa.

"Hmm pwede po ba kong magdala kila Jeo?"

"Osige sige tapusin muna natin lahat to at para pagdating nila mai-serve na agad"

"Ok po"

          Dali dali namin isinaayos ang mga handa hahaha pasimpleng nagbalot na ko ng mga dadalin ko kila Kyle at Jeo siyempre kumain na din ako ng spaghetti sakto naman dumating na ang pinsan ko kasama ng mga kaibigan niya agad naman akong gumawa ng paraan para makaalis haha bahala na si Tita Ellyn mag asikasao sa birthday ng anak niya haha ^__^

"Kuya Jason...dumating na po ba si Jeo?" dumaan ako kaagad kila Jeo hahaha.

"Wala pa eh baka pauwi na din yun ngayon...bakit hindi ka pumasok?"

"Eh kasi off ko hahaha basta off ko ahmm birthday ng anak ni tita Ellyn dinalan ko na kayo"

"Ay salamat mukhang masarap"

"Oo naman po...ahm pakisabi kay Jeo dumaan ako sige po alis na ko"

"Salamat"

          Dumeretsyo naman ako sa dating tinutuluyan nila Kyle pero wala sila doon eh hmm baka permanente na silang nakatira sa apartment nung kapatid nung Kim ba yun? pumunta na lang ako doon at tama nga naroon sila.

"Ate Setong!" sinalubong ako nila Lilo at Ilayda.

"Kamusta na kayo? ilang araw ko din kayung hindi nakita"

"Ayos naman po"

"May dala akong spaghetti saka grahams ako ang gumawa niyan"

"Wow! Muchang macharap" sabi ni Lilo.

"Alam mo ba ate sakto ang dating mo birthday ko kasi eh" sabi ni Ilayda.

"Talaga? birthday din kasi ng pinsan ko kaya naisipan ko ng dalahan kayo ng handa hmm happy birthday Ilayda sa susunod na punta ko nalang dito yung gift mo ha"

"Salamat po ate Setong" nginitian ko si ilayda at ipanag hain ko na sila ni Lilo para makakain na sila.

"Kumain lang kayo ng kumain ahmm nga pala nasaan si Kuya Kyle niyo?"

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now