Chapter 39: Friendship Ends??

110 2 2
                                    

           Ngayon ko lang napagbuhatan ng kamay ang pinakamatalik kong kaibigan...ito na yata ang pinakamatinding nagawa ko sa kanya...madalang kami mag away pero hindi naman nagtatagal ay nagbabati na kami pero parang mag iiba na ang lahat.

"J-Jeo..sorry...pasensiya na" lalapitan ko sana siya pero iniwasan niya ko at lumayo.

"Simula nung nakilala mo si Khyle nag iba ka na...hindi na ikaw ang dating Setong na kilala ko"

"Jeo...Jeomar sandali" tumakbo na siya palayo napansin ko na pinagtitinginan kami ng mga tao kaya dali dali nalang din akong umalis.

              Habang naglalakad ako pauwi...hindi ko maiwasan maisip ang nagawa ko kay Jeo napatingin ako sa kamay ko...nagbago? ako? ano bang mali saakin? paanong nagbago? dahil kay Khyle nagbago na ko? tumatak sa isipan ko ang mga nasabi ni Jeo ang sakit pala pag ka sa kaibigan nang galing ang mga ganung salita....naiiyak na ko pero pinipigilan ko nalang.

"Oy Setong! ginabi ka yata...si Jeo ay kanina pa nakauwi" bungad ni tita Ellyn.

"Ah...may ginawa pa po kasi ako" sinakyan ni Jeo ang pagsisinungaling ko...dapat nga pinasalamatan ko pa siya sa halip na sinampal ko.

"Ganun ba kumain ka na ba?"

"O-opo" wala naman na kong ganang kumain ng hapunan eh.

"Sige mukang pagod na pagod ka magpahinga ka na baka mapano ka pa sagutin ko pa sa nanay mo" sabi ni tita Ellyn hayss sana hindi niya nalang tinanggap ang responsibilidad saakin kung natatakot siyang managot kay mama.

            Pumasok nalang ako sa silid ko...humiga ako at nang makita ko ang litrato ni Mark ay kaagad ko itong niyakap "Namiss kita....namiss mo din ba ko kaya mo ko tinatawag kanina? pero bakit ganun hindi naman kita nakita? pati ba ikaw ay nagseselos dahil tinulungan ko si Khyle? nagbago na ba talaga ko? mali ba ang ginawa ko? sorry" hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

            Hindi ko naman akalain na mahal na pala ko ni Jeo nung una palang kung sinabi niya saakin noon bago ko mahulog kay Mark ay baka nagbago pa ang pananaw ko sa kanya bilang kaibigan....pero sa ngayon ay sarado parin talaga ang puso ko...si Mark pa din ang tinitibok nito...kahit si Khyle....marahil natutuwa lang ako dahil naaalala ko si Mark kay Khyle pero ayaw kong lokohin ang sarili ko at ang ibang tao gusto ko kung mamahalin ko man si Khyle yun ay dahil siya si Khyle at hindi dahil nakikita ko si Mark sa kanya pero...ayaw ko ng ulit makasakit kaya naman natatakot na kong buksan ang puso ko sa kahit sino.

----------------------

            Hindi ko sukat akalain na magagawa saakin ni Setong yun! talagang nagbago na siya! ngayon kaya na niya kong saktan! baliwala lang sakanya ang nararamdaman ko! wala siyang pakialam sa nararamdaman ko para sa kanya! nagbago na talaga ang pananaw ko sa kanya!

"Baka naman kasi nabigla lang yung tao ikaw naman kasi ang sakit mo kasing makapanalita" sabi ni kuya Jayson wala naman kasi akong ibang mapaglalabasan ng sama ng loob sa mga oras na to kung di ang kapatid ko lang.

"Totoo naman ah"

"Totoo man ang lahat ng sinabi mo pero masasaktan at masasaktan si Setong alam mo naman kung gaano ka baliw na baliw yun kay Mark eh maglilimang taon na nga si Mark pa din hindi ba?"

"Kuya...kasalanan ko ba? mahirap ba kong mahalin?"

"Hindi"

"Bakit ganun wala man lang siyang pakialam sa nararamdaman ko"

"Malay mo naman"

"Ang manhid niya nakakainis!" nakita ko na dumudugo nanaman ang sugat ng kamao ko dulot ng pagsuntok ko sa pinto.

Searching the Casanova's PrinceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora