Chapter 18: What if??

135 2 2
                                    

            Mukang hindi maganda ang mga nasabi ko kay Jeo...hindi na ko papasok ngayon sa trabaho siguro bukas nalang hays! Setong anu nanaman bang nangyayari sayo? muli kong niyakap ang larawan ni Mark...sobrang namimiss lang kita siguro kaya nagkakaganito ako...hayss wala nanaman ako sa sarli!!!!masama ba ang mga nasabi ko kay Jeo? Kasi naman kung minsan sobrang higpit niya na saakin....ewan ko ba pero baka sobrang nag alala lang siya saakin kasalanan ko naman Mark....alam kong hindi ka natutuwa sa ginawa ko :((

KINABUKSAN

"Setong! bakit hindi ka nanaman pumasok kahapon?" usisa ni Ayah

"Ah...eh baha diba? babawi ko ngayon mag oover time muna ko"

"Sige sige ahmm si Jeo ba? hindi din siya pumasok kahapon eh"

"Ah...talaga?  baka mamaya pumasok na yun" sabi ko.

       Nag mop na ko kaagad...hmm hindi pala siya pumasok kahapon sana naman hindi niya dinibdib yung mga nasabi ko hayss ano ba naman kasi Setong! nang dahil sa kahibangan mo nawawala ka na sa hulog! nababaliw na ba talaga ko? ano ba yan!

          Nakapag overtime na ko pero hindi pa din pumasok si Jeo hayss gumaganti ba siya? baka naman dinib dib niya yung sinabi ko? kasalanan ko to! pinuntahan kosiya sa bahay nila ang sabi naman ng kapatid niya may nilakad lang daw pero hindi sinabi kung ano at hindi pa umuuwi.

         Eh anung oras na? saka saang lakad? Dalawang magkapatid lang sila ng kapatid niyang si Jason nagtratrabaho sa pabrica ng sabon ang mama niya na matagal ng hiwalay sa papa nila, kung tutuusin mas maganda ang buhay ni Jeo kumpara saakin.

"Oy! hindi ka ba nilalamok diyan? pumasok ka na sa loob at gabi na" saway saakin ni Tita Ellyn habang nakatambay ako sa labas ng bahay nila.

"Wala naman pong kumakagat"

"Hihintayin mo pa bang makagat ka tapos ano? madengue ka! Tapos mapipilitan nanaman akong kulitin ang mama mo pang pagamot mo? may mag aasikaso ba sayo?"

"Tita....papasok na ko mamaya maya! ok na po?"

"Bahala ka na nga diyan!"

           Susko! ang daming sinabi! nakakainis...kung mayaman nga lang ako gusto ko na ng sariling bahay yung payapang pamumuhay? pinanganak ako sa isang pamilyang magulo pati buhay ko din magulo...depende din siguro yun sa nagdadala hays ewan! napakamot ako ng ulo ko at sunod sunod na! ang kati malamok nga! sa likot ko bumigay na yung kahoy na inuupuan ko :((

"Bakit kasi hindi ka pa pumasok?" nagulat ako...pag tingin ko..

"Saan ka ba nag punta!" agad akong tumayo kahit masakit pa ang pwet ko hahah

"Diyan lang" sagot ni Jeo.

"Anung diyan lang? pinakaba mo ko!" Niyakap ko siya ng husto.

"Ngayon alam mo na kung anong nararamdaman ko nung nawala ka! naulanan ako hinahanap kita kung saan!"

"Sino ba kasing may sabing maghanap ka"

"Tignan mo! ang panget talaga ng ugali mo! ma pride!"

"Pang isang daan na beses mo na yata yan inuulit...sabing hindi ako ma pride!"

"Masakit pa ba? nakita ko yun" pang aasar niya.

"Ikaw kaya mahulog...bumibigat na yata talaga ako anu ba yan!"

"Wag kang mag alala ako lang naman ang nakakita"

"Jeo...basta wag ka na ulit aalis ha"

"S-setong...."

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now