Chapter 56: Will be Fine....

88 1 0
                                    

         Alas'dyis na ng gabi at kakatapos lang namin magsimba nila Ilayda...iniisip ko aabot pa kaya ko sa oras na binigay ni Khyle? Ano Jharo? hahayaan mo na lang ba na ibang tao ang koronahan at umupo sa trono mo? hahayaan mo na ba siyang maging hari ng bansa? kainis! kailangan ko pa kasi ng sapat na oras at panahon! napatingin ako kila Lilo at Ilayda na naglalaro sa may park...kakayanin ko ba na iwanan sila? malamang hindi...bukod sa napamahal na sila saakin ayaw ko naman na iwanan sila nang basta basta.

"Chuya? May problema cha ba?" usisa ni Lilo

"Ah...w-wala naman..uwi na tayo? iinit ko pa yun spaghetti na niluto nang ate Setong niyo"

          Ito yung unang pasko na hindi ko makakasama ang pamilya ko...may pamilya pa nga ba ko? si Kuya Jeremy siya lang ang nagtyagang unawain at mahalin ako...hindi ko maiwasang malungkot lalo na ngayung alam kong umasa lang pala ako sa wala...nag hintay ako sa wala ang sakit para saakin...inilihim ng mga magulang ko na matagal na palang wala ang kapatid ko.

"Uy! Kuya! ngiti naman diyan oh! paskong pasko weh!" sabi ni Ilayda habang kumakain kami ng spaghetti.

"Merry Christmas Chuya Khyle" sabi ni Lilo

"Merry Christmas din sa inyo" sagot ko.

"Kuya Akalain mo yun? nasabi ng tuwid ni Lilo ang Merry Christmas! improving!"

"Chuya! inaaway nanaman ako ni ache!" 

"Kayo talaga kumain na nga lang kayo"

"Kuya..." sabi ni Ilayda

"Bakit?" Nagulat ako nang bigla nila akong niyakap ni Lilo.

"Alam mo ba, kahit walang regalo para saamin ni Lilo ikaw na ang pinakamagandang regalong natanggap namin...sana kuya mapasaya ka namin sorry ha ito lang ang maibibigay namin...kami gumawa niyan kuya Khyle" isang bracelet.

"Salamat" muli ko silang niyakap.

            Kahit papaano naging masaya naman ang pasko ko...ang sarap pala ng may pamilya kahit simple lang atlis ramdam mo ang pagmamahal...sobrang naappriciate ko ang lahat ng ito..pero naisip ko naman si Khyle...naging makasarili ako hindi ko man lang naisip ang kalagayan niya...sa mga oras na ito alam kong hinahanap hanap niya ang mga kapatid niya...nakakalungkot man isipin pero ito ang unang pasko na hindi niya makakasama ang mga kapatid niya at lahat ng ito ay kasalanan ko. 

------------

          Sa silid ni Jharo...dito ako nagpasko nang mag isa...nakakalungkot palang maging prinsipe...dumating na ang takdang oras...hindi siya dumating kung ganun wala na pala siyang bumalik sa trono niya pero paano ko babawiin ang pamilya ko? Napaisip ako, naisip ko na pagkatapos ng koronasyon pupuntahan ko siya at harap harapan kokomprontahen sa ayaw at sa gusto niya babalik at babalik siya sa trono niya! siguro naman malaki na ang naitulong ko sa kanya sa pagkawala niya.

               Kinabukasan inasikaso ko na ang lahat para sa koronasyon naisip ko na puntahan na si Jharo pero inisip ko din ang sitwasyon, sobrang dami kong ginagawa kaya naman tama lang siguro na parausin ko na ang koronasyon na gaganapin bukas ng umaga.

"Handa na po ba kayo para bukas?" usisa ng mayordomo.

"Dapat ba akong umatras? May magagawa pa ba ko?"

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now