Chapter 53: Keep your Eyes Open

73 0 0
                                    

         "Sagutin mo muna ang tanung ko! Ikaw ba talaga si Khyle?" Isang tanung na labis nagpakagabag ng konsensiya ko...Alam na ni Setong? Paano? Kanino? Kailan pa? sunod sunod na tanung sa aking isipan....hindi ko alam kung paano magpapaliwanag...anong sasabihin ko? magpapalusot ba ko? anong klaseng kasinungalingan nanaman? Eh kung aminin ko na kaya? pero paano...umuurong ang dila ko.

"Setong....." nagulat ako tila hinimatay siya, agad ko naman siyang sinalo at binuhat papunta sa maliit na sofa. Grabe basang basa siya tila nataranta ko baka kung anong mangyari sa kanya.

            Nagpainit ako ng tubig pinunansan ko din siya ng bimbo na binasa ko ng maligamgam na tubig saan ba kasi galing ang pasaway na to! nakakainis! siya lang ang nagpataranta saakin ng ganito...nanginginig siya kaya naman agad ko siyang kinumutan eh kaso basa siya kailangan ko muna siyang palitan ng damit....pumunta ko sa lalagyanan ng damit at naghanap ng pwede niyag isuot...

Hanap....hanap....hanap...hanap....

           Sa paghahanap ko tila sumama sa pagkahila ko sa damit ang isang bag...hmm ngayun ko lang nakita to...kanino naman kaya ang bag na ito? kay Ilayda? binuksan ko ang bag at nakakita ko ng isang pitaka...binuksan ko ito at nang mabuksan ko isang larawan ang bumungad saakin....

O________O!!!!

                Napaupo ako tila nanghina ang mga tuhod ko....sunod sunod ang pagpatak ng aking mga luha....ang larawan na ito ay isang....kanino ba talaga ang pitaka na ito?? napatingin ako kay Setong....bakit may litrato sila ni Kuya Jeremy na magkasama?? anung koneksyon niya sa kapatid ko? bakit may larawan silang dalawa?? kinuha ko ang larawan at mas ikinagulat ko ang nakasulat sa likod na bahagi nito...

"Kapag nalulungkot ka nandito lang ako para pasayahin ka, kapag kailangan mo ng masasandalan nandito lang ako para pasandalin ka sa mga balikat ko, kapag kailangan mo ng tulong ko isang tawag mo lang at darating na ako at kung sakaling kailangan mo ng magtatanggol sayo nandito lang ako, ipaglalaban kita...kahit ano handa akong gawin dahil mahal na mahal kita, Celestine"

           Ang babaeng minahal ko sa unang pagkakataon ay ang babaeng minahal din pala ng kapatid ko...tumayo ako at nag ayos pinahid ko ang aking mga luha at nilapitan si Celestine....

"Bakit hindi mo sinabi na si Mark at si Jeremy ay iisa?" bulong ko.

"Kuya...." nagising yata si Ilayda.

"Ah...gabi pa...matulog ka pa ulit"

"Umiiyak ka ba?"

"Wala to..."

"Nag away ba kayo ni Ate Setong? anung ngyari sa kanya?"

"Hinimatay siya...kasagsagan kasi ng ulan bigla nalang siyang sumulpot dito ayan naulanan...Ilayda mas maganda siguro kung ikaw na muna ang magpalit ng damit sa ate Setong mo...lalabas muna ko"

Searching the Casanova's PrinceUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum