Chapter 63: Promise

54 0 0
                                    


SA PALASYO

                "Alam na ba ni Jharo na ang nilalang na iyon ay si Jeremy?" batid na ng Reyna ang katotohan at lahat ng pangyayari.

"Nais ko pong sabihin sa kanya ngunit abala siya sa paghahanap ng ebedensiya kay Prinsipe Francis...nais niyang matuklasan kung may kinalaman ba talaga ito sa mga pangyayari." Tugon ng mayordomo.


"Nag aaksaya lamang siya ng panahon! Kailangan mahanap si Jeremy sa lalong madaling panahon...madami pa kong nais sabihin saaking anak." malungkot na tugon ng Reyna.

"Masusunod mahal na Reyna...sasabihan ko ang aking mga tauhan upang hanapin kaagad si Master Jeremy." Sabi nito at kaagad na umalis.


"Mayordomo?" nasalubong ni Jharo sa may hagdanan ang mayordomo.

"Ah...Magandang araw po mahal na Hari." kasual na sagot nito.

"Tila aalis ka? May ipinag uutos ba ang aking ina?" usisa ni Jharo.

"Opo....tungkol po ito sa paghahanap kay Je...ah kay Khyle po....nais ng mahal na Reyna na tumulong sa paghahanap kaya naman sasabihin ko ito saaking mga tauhan." Sagot ng mayordomo.

"Pakisabi saaking ina ay kinagagalak ko ang kanyang pagtulong ngunit mas makakabuti kung wag na siya mag abala pa ako na ang bahala dito." Sabi ni Jharo at tumango lamang ang mayordomo.

"Sinuri na ng aking mga tauhan ang buong lunsod at susunod naman po ang mga karatig na bayan at probinsya." Ulat nito.

"Maraming salamat nawa'y makita na si Khyle...ayokong biguin ang aking pangako kay Setong."

"Maaari ko po bang malaman kung may natuklasan na kayo kay Prinsipe Francis?" tanong ng mayordomo.

"Sa ngayon ay wala pa ngunit hindi maiaalis ang aking paningin sa bawat kilos ng Francis na yun!" sagot ng bagong Hari. Lihim na pinabantayan ni Jharo sa kanyang mga kapanalig ang bawat kilos o galaw ni Francis.

__________


          Hanggang ngayon ay wala pa din akong nababalitaan tungkol kay Khyle o kay Jharo....labis na ang aking pag aalala sa kanilang dalawa....ayoko ng manatili dito at mag hintay lang sa kung ano man ang mangyayari...pero paano si Lilo at Ilayda? Hindi ko sila maiwan natatakot ako baka may mangyaring masama sa kanila....hindi din ako mapakali.


"Ate? Saan po ba talaga nag punta si kuya Khyle tila hindi kayo mapakali simula nung umalis siya." usisa ni Ilayda.

"Ah....gaya nga ng sabi ko sa inyo nung mga nakakaraang araw may kinalaman sa bagong trabaho ng kapatid ninyo ang pag alis niya." Sagot ko.

"Eh ano po ba kasing bagong trabaho niya saka kailan po ba siya babalik?"

"Ilayda...babalik din siya isa pa nandito naman ako eh ayaw mo ba na narito ako?" hindi ko masagot ang kanyang mga katanungan sapagkat di ko masabi ang katotohanan sa kanila, mag aalala lamang sila kay Khyle.

"Siyempre gusto po kaso...namimiss na po namin ni Lilo si Kuya Khyle" sagot saakin ni Ilayda at napatingin ako sa nahihimbing na natutulog na si Lilo.

"Hayaan niyo...konting tiis nalang." Sabi ko at niyakap namin ni Ilayda ang isa't isa.


            Simula nung umalis si Jharo dito ay madalang na ko umuwi kila tita Ellyn ang paalam ko ay makikituloy muna ko sa isang kaibigan sapagkat mag isa lamang ito ngayong bagong taon...pero masaya ko dahil nakasama ko ang mga bata ngayong pagpasok ng bagong taon...iniisip ko mag uumpisa na uli ako mag trabaho sa restaurant sana ay magkita kami ni Jharo...nais kong malaman ang kanyang lagay pati na rin ni Khyle...sana ay mahanap mo na siya Jharo....pakiusap...

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now