Chapter 73: The Heart

56 1 0
                                    


           Tumawag ang mayordomo at sinabi saamin ang kalagayan ni Lilo sinabi nila kung nasaang ospital sila at kaagad naman kaming tumungo doon. Tila ikinagulat ko ang aking nalaman.


"Bakit hindi mo man lang saakin sinabi ang tungkol kay Lilo?" bungad ni Jharo.

"Nasaan siya? anong kalagayan niya?" usisa ko pinakita naman saakin ng mayordomo ang resulta ng pagsusuri kay Lilo.

"Kagaya ko'y mag kahinaan pala ang kanyang puso."sabi ni Jharo...kaya pala madalas mamutla si Lilo kapag natatakot at umiiyak kinakapos din siya ng hininga...pero si Jharo ay madalas sumpungin...samantalang si Lilo ay bihira kong makitang nag kakaganito.

"Teka...sino ba ang kuya Khyle ko sa inyo? muka kasi kayong kambal nalilito ko"sampit ni Ilayda.

"Ah...Ilayda..a-ako si Khyle" sabi ko at kaagad niya kong niyakap.

"San ka ba galing kuya? takot na takot kami ni Lilo buti ay nandiyan si ate Setong."

"Patawadin mo ko Ilayda...hindi kayo dapat nadadamay sa kaganapang ito."

"Natatakot ako para kay Lilo..."mahinang sagot ni Ilayda.

"Ano ka ba naman Ilayda! malakas si Lilo at alam kong kayang kaya niya malagpasan ito."sabi ni Celestine.

"Madami na palang butas ang kanyang puso...ang puso ng reyna ang ipapalit sa kanya ang opersyon ay nagaganap na sa mga oras na ito."wika ni Jharo at napatingin ako sa oparating room...

"Pero Jharo..."


"Pag hindi naagapan ang sitwasyon ni Lilo ay mamamatay siya....sa murang edad na yan ay marami pa siyang magagawa sa hinaharap." hindi na niya pinatapos pa ang aking sasabihin.

"Jharo! mag usap nga muna tayo." tumungo kami sa isang sulok.

"Kung pagagalitan mo ko sapagkat aking sinuway ang utos ng ating ina..."

"Jharo...hindi ako magagalit....pero paano ka? nais ng ating ina na makapag transplant ka na sa lalong madaling panahon!"

"Kung nais ko noon pa mang nabubuhay ang ating ina ay kayang kaya kong mag pa heart transplant pero kailanman hindi ko yun gagawin."

"Anong sinasabe mo! ayaw mo bang madagdagan ang iyong buhay!"

"Wala na kong rason para mabuhay"

"Anong wala? anong sinasabi mo! paano ang bansa! paano na ko!"

"Ikaw ang karapat dapat na maging hari at hindi ako....ikaw na lamang ang pamilya ko ngunit ikaw nakahanap ka na ng pamilya sa piling nila."

"Jharo! ang pamilya ko ay pamilya mo na rin kaya bakit mo nasasabi ang mga bagay na yan"

"Ayaw kong maging hari....at nais ko ng maging malaya sa lahat ng obligasyon at responsibilidad na kinakasangkutan ko ngayon."

"Patawadin mo ko...pero handa akong tulungan ka at lahat ng iyong iuutos ay aking gagawin ng maluwag saaking puso."

"Napakabuti mo kuya Jeremy...hindi ko alam kung paano kita masusuklian at mapapasalamatan."

"Hindi na kailangan mahal na hari." niyakap ko siya.

          Hindi ko man alam kung ano nga ang iniisip ni Jharo sa mga oras na ito pero batid kong nahihirapan siya at tila labag sa kanyang ka looban ang pagiging hari. Kasalanan ko to kung hindi ko sana hinayaang mangyari ang lahat hindi na sana mahihirapan pa ang aking kapatid...lumaki siyang walang kaibigan at nakakulong lamang sa kanyang silid naiintindihan ko kung bakit nais niyang maging malaya...

Searching the Casanova's PrinceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt