Chapter 40: This Morning....

96 3 2
                                    

          Umagahan na kaya naman agad na ko bumaba sa hapag upang samahan ang reyna sa pagkain ng almusal...medyo hindi din naman kasi maayos ang tulog ko kagabi panay si Setong lang ang iniisip ko! hayss ang bagal ko kasi hindi ko tuloy sila naabutan! sayang ang tanga tanga mo Kyle!

"Ang aga mo yata" sabi ng reyna

"Magandang umaga po"bati ko.

"Nga pala Jharo...pagkatapos ng bagong taon ay kokoronahan ka na bilang Hari talaga bang gusto mo na sa Marso pa ang kasal niyo ni Aleonah? hindi ba mas maganda kung isasabay na natin sa koronasyon mo?"

O_______O!!! Susubo palang ako ng tinapay pero tila mabubulunan na kaagad ako! ano daw???? agad agad??? eh hindi ko pa nga nakakaharap si Jharo eh!

"Ah...mas ayos na po yung sa Marso...hindi naman kailangan hadalian hindi ba?"

"Yun naman talaga ang plano kailangan bago ka makoronahan bilang hari ay maikasal na kayo"

"Pero...mas gusto ko na sa Marso para mas mapaghandaan"

"Jharo"

"Sige na po"

"Pupunta si Prinsipe Francis dito ngayon para..."

"Kung hindi naman ako ang pakay niya ay hindi muna ko makikialam" pinutol ko na ang sasabihin ng reyna ewan ko ba pero parang ayaw ko makita ang prinsipe na yun! iba ang timpla ko sa taong yun.

"Jharo!"

"Pasensiya na"

"Gusto ka sana niyang makausap kaya nga siya pupunta ngayon dito"

"Para saan? hindi ko problema ang monarkiya nila kaya hindi ko siya matutulungan mahirap naman ng makialam"

"Hindi...tungkol sana ito sa...."

"Saan?"

"Sa paglalantad ng relasyon namin sa media"

O_____________O!!!!!! mukang kailangang kailangan ko ng mahanap si Jharo hindi maganda ang nararamdaman ko sa bagay na ito...ewan pero ang bigat sa loob ko.

"Sigurado na po ba kayo diyan? pwede bang sa ibang araw nalang natin pagusapan"

"Pupunta siya ngayon"

"Sa ibang araw niyo nalang papuntahin...wala po kasi ako sa kondisyon makipag usap sa karelasyon niyo" ewan pero tila inaya ako ng aking mga paa kusa akong tumayo at muling pumanik saaking silid...bakit ganun iba talaga ang nararamdaman ko.

-------------

          Ang sakit ng ulo ko....tila hinampas ang ulo ko ng dos por dos...ay sus! paano nga naman palang hindi sasakit eh nakainum nga pala ko kagabi! ano ba yan nakakainis! tuluyan kong minulat ang mga mata ko....O____O nang mailibot ko sa buong paligid ang paningin ko....hala!!!! teka nasaan bahay ako? nasaang lugar ako!!!!

O__________O nagulat ako katabi ko si Ayah at...sus ko!!!! hindi!!!!!

"Ayah....Ayah...."ginising ko siya.

"Jeo..." agad naman siya nagising.

"A-ano bang ngayri???? hindi ko alam na...ano ba toh!" natataranta ko.

"Hindi pa ba halata na may ngyari saatin?" sagot ni Ayah


O________O!!!! halos tumigil ang mundo ko! may ngyari saamin??? bakit si Ayah pa???

"Ayah....hindi ko sinasadya" hinablot ko kaagad sa sahig ang mga damit ko at nag ayos ng aking sarili.

"Aalis ka na?"

"Ayah...kasi...alam mo lasing ako kagabi okay hindi ko to sinasadya" nagulat ako ng tila may pumatak na mga luha mula sa kanyang mga mata hala!!! ano nanaman bang nagawa ko!!!!!

"Sorry hindi ko talaga sinasadya hindi ko alam...lasing ako..." sabi ko pa tumayo siya bigla niya kong sinampal O___O ano bang toyo ng mga babae at nananampal sila!!!

"Hala bakit Ayah!"

"Pare parehas lang kayo...sige ayus lang makakaalis ka na"

"Ayah..."

"Umalis ka na!" hiyaw niya ang wierd pero ang hirap naman talagang unawain ng mga babae! umalis daw ako kaya naman umalis na ko!

            Jeomar! ano nanaman bang nagawa mo! wala na kong mukang ihaharap kay Ayah! ganun din kay Setong tapos kasama ko pa sila sa trabaho! di bale hindi na lang ako lalapit sa kanila at dun nalang ako sa parking lot! hays kaduwagan nanaman ang nasa utak ko! ewan bakit kasi si Ayah pa! bakit ko nagawa yun sa kanya! kainis ang tanga tanga ko!

AYAH's POV:

"SORRY!" humihingi siya ng tawad sa ngyari saamin? kalokohan...nakakatawa ko hinayaan kong may mangyari saamin kasi gusto ko din kahit na alam kong si Setong pa din ang mahal niya umaasa pa din ako...palagi nalang akong iniiwan takot akong maiwan pero kagaya ngayon umalis nalang siya...ang sakit ang sakit sakit...nag mukmok nalang ako tutal off ko ngayon malaya akong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko ngayong ako lang naman mag isa ang narito tama MAG ISA!

-----------------

            Dahil wala naman pasok today naisip ko na maglinis dito kila tita Ellyn at nang makita kong tambak ang mga labahin nako! alam kong ako ang paglalabahin niya kaya pagkatapos kong magliis ay pumunta na ko kila Khyle....wala naman akong makakausap sa bahay eh sa ngayon ayaw kong kausapin si Jeo baka magkaroon pa ko ng sama ng loob sa sakit ng mga pinagsasabi niya saakin nung nakaraan.

"Ate Setong!" magiliw akong sinalubong ng mga bata pagdating ko kumakain sila ng almusal.

"Kamusta"

"Okay lang po...tignan mo to si Kuya sinunog yung hotdog!"

"O___O hala ou nga noh! Khyle anong trip mo? chocolate flavor yata ang hot dog na ito"sabi ko.

"Bakit masarap naman hindi ba?" sabi ni Khyle

"Ang tabang kaya!" rekalamo ng mga bata

"Nako...wala yata sa hulog ang kapatid niyong ipagluto kayo! mukang labag sa loob eh" sabi ko.

"Hindi kasi ko marunong mag luto anu bang alam ko sa pagluluto I never dream to became a cheft" sabi ni Khyle at nanglaki ang mga mata namin O____O!!!! sa pagkakaalam ko si Khyle ang nagluluto at gumagawa ng mga trabahong bahay dito.

"Kuya Ikaw kaya nagturo saakin magprito! since magaling ka na! kaya dapat lang na ikaw na uli ang mag prito"sampit ni Ilayda.

"Ah...nagbibiro lang naman ako...sorry di ko kasi nabantayan kaya nasunog" sabi ni khyle.

"Sa susunod ayusin" sabi ko.

JHARO's POV: sus ko! gumana naman ang palusot ko! ano ba kasing malay ko sa pagluluto na yan! hayss do I need to do this! as in all of this?? nakakainis naman I can't handdle those things ang hirap naman maging isang KHYLE RIVERS!


A/N: Hep!hep!!! haha hanggang dito po muna! salamat po sa mga patuloy na nagbabasa ng Searching the Casanova's Prince medyo maganda na yung mga susunod na chapters abangan niyo po last 30 chapters nalang salamat po keep on reading sana po magustuhan niyo ^___^

Searching the Casanova's PrinceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant