Chapter 13: Memories

149 3 3
                                    

          "Young Master gumisng na po kayo" pangigising saakin ng mayordomo ang bilis naman matapos ng gabi...mas gusto kong palagi nalang natutulog mas masarap ang pakiramdam ko kapag walang iniintindi at iniisip.

"Limang minuto pa" sagot ko.

"Pinahanda na po ng mahal na reyna ang umagahan" no choice ako.

"Sige susunod na ko" lumabas na siya ng aking silid at agad naman akong nag hilamos.

SA HAPAG

        Nagulat ako ng makita ko na hindi lamang ang aking ina ang makakasalo ko sa umagahan...O__O!!!! anug ginagawa niya dito?????

"Magandang umaga Prinsipe Jharo" bati ni Aleonah saakin.

"Magandang umaga din" sabi ko.

"Anak, sasamahan mo si Aleonah na asikasuhin ang motif ng engagement party niyo"

"Oo nga pala sa linggo na nga pala yun" casual na sagot ko.

"Ah...Jharo sabi ng iyong ina mahilig ka sa asul alam mo ba na paborito ko din ang asul?"

"Talaga? edi yun  nalang ang motif...maari naman pala natin dito pag usapan eh bakit kailangan samahan pa kita"

"Jharo?!" saway ng aking ina.

"Madami kasi akong mga meeting at conference na dadaluhan ngayon eh"

"Jharo kung gusto mo sa ibang araw nalang?" sabi ni Aleonah.

"Nandito ka na din lang iha kaya ngayon niyo na puntahan ang engagement planner niyo" pilit ng aking ina. Okay wala akong nagawa kung di pagbigyan!

          Pagkatapos namin kumain ay kaagad na kaming pumunta sa engagement planner namin kung minsan talaga ang hirap ng ganitong sitwasyon kasi sa totoo lang nag aalangan pa ko kung handa na ba kong ituloy ang pagpapakasal ko kay Aleonah...

"Gusto mo ba???" seryosong tanung ko.

"Na ano?" tugon niya.

"Gusto mo ba na pakasalan ako?"

"Sa totoo lang kasi...."

"Bakit kailangan mag padikta tayo sa mga magulang natin? wala ba tayong sariling isip para sila ang maglano sa mga buhay natin?"

"Hindi mo pala nauunawaan ang sitwasyon"

"Sitwasyon?"

"Jharo...ilang taon ng bakante ang trono kaya ang reyna ang namumuno sa bansa at ang kwento saakin ng aking mga magulang kung hindi ka pa handang umupo sa trono magpapakasal ang iyong Ina sa isang prinsipe hindi nila binaggit pero sabi nila hindi na daw kaya ng iyong ina mamuno dahil nagkakaedad na pero ang papakasalan niya ay isang prinsipe na halos kaedadan mo lang kaya natakot ako ng madinig ko yun...kung hindi ka pa mauupo ang prinisipeng yun ang magiging hari"

"Pwede naman na mamuno ako ng hindi muna kita papakasalan....hindi naman sa ayaw ko sayo pero marami pa kong gustong gawin na walang kinalaman ang pag aasawa"

"Yan din ang sinabi ko ng makausap ko ang iyong ina kanina pero dahil nga sa lagay mo na madalas ka magkasakit gusto niya na maging katuwang mo ko sa pamumuno mo.....pinangako ko naman sa kanya na aalagaan kita at kahit hindi pa kita ganung kilala...susubukan ko na...mahalin ka at sana ganun ka din" natigilan ako sa mga sinabi ni Aleonah.

          Bakit ganito ang prinsipyo ng babaeng to? ayaw niya bang ipagatanggol ang karapatan niya bilang nilalang sa mundong ito? bakit hinahayaan niya na madiktahan siya ng kanyang mga magulang? malalaki na kami at kaya ko ng mag desisyon para saaking sarili pero bakit ganito ang babaeng to? mas pinili niyang magpatali sa nilalang na hindi niya kilala para lang maipagpatuloy ang pamumuno sa henerasyon? bakit? hindi ko siya maintindihan.

Searching the Casanova's PrinceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora