Chapter 5: Slave??

182 3 2
                                    

           "Gabi ka nanaman umuwi! saan saan ka nanaman pumupunta! kababae mong tao!" bunganga kaagad ni tita Ellyn ang narinig ko.

"Nagtratrabaho na po kasi ako isa pa alas'ciete palang naman"sagot ko.

"Trabaho saan naman? nako Setong! kapag may nangyaring masama sayo ako at ako nanaman ang sisihin ng nanay mo!"

"Hayaan mo pag nakaipon na ko aalis din naman na ko dito" inabot ko ang 50dollars na tip na binigay ng crown prince kay tita Ellyn ayun nanahimik pera lang naman ang katapat niya! muka talagang pera plano ko sana uti-uti may mga gusto pa sana kong bilin sobra sobra pa nga yan sa 40 niya eh yaan ko na nga bahala na basta wala na kung utang sa kanya!.

           Umupo muna ko sa kama ko...sa totoo lang masaya ang araw ko kahit papaano..napatingin ako sa litrato ni Mark sana kasama ko pa din siya sa mga oras na to...napag isip isip ko na tama din si Jeo eh mas okay kung makikipag bati ako kay Mama pero para saakin ang hirap gawin kung kasing yaman lang ako ng crown prince magagawa ko lahat ng gusto ko...ganun naman eh pag mayaman hawak mo mundo. Mark anu bang dapat kong gawin?

Flash backs

"Array! nakakainis naman eh!" nagmamadali na ko malalate na kasi ako kaso natapilok ako sa hagdan third floor pa kasi ang room ko.

"Miss okay ka lang?"

"Muka ba kong okay ha?"inabot nung lalaki saakin ang kamay niya buti na lang may mabait na tutulong saakin makatayo...agad kong inabot ang kamay niya nagulatako ng bitawan niya ko!!! aba luko toh ah!

"Nakakatawa ka naman!" humahalakhak siya

"Anung nakakatawa don? hindi maganda yang trip mo ah! alam mu bang nag mamadali na ko tapos pag tritripan mo pa ko!" sampit ko.

"Minsan kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa" umalis na siya at nag iwan ng mayabang na ngiti.

"Oy! bakit ka nakasalampak diyan? kanina pa kita hinihintay sa taas" biglang sumulpot si Jeo.

"Natapilok kasi ako! lokong lalaki yun akala ko tutulungan ako!"

"Sino?"

"Ayun oh!" tinuro ko siya hindi pa siya gaanong nakakalayo.

"Ah yun ba? Si Mark yun classmate ko siya sa politics eh"

"Mark...??"

FLASH BACK ENDS

         Nakakatawa yung una nating pagkikita Mark...madalas mo pa nga kong pagtawanan sa tuwing naaalala mo ang itsura ko sa mga panahon na yun. Mark miss na miss ko na ang mga ngiti mo...miss na miss na kita.

KINABUKASAN ^___^

"Jeo! maaga na tayong umuwi nag tatalak nanaman si Tita Ellyn pag ginagabi ako"

"Sabi ko sayo eh! ikaw kasi tigas ng ulo mo"

"Eh ayoko na kasi doon...kaya naman ayoko pang umuwi"

"Mag sorry ka na kasi sa mama mo para makapag aral ka pa ulit"

"Sa tingin mo yan din ba ang gusto ni Mark?"

" Oo naman kung mahal ka talaga ni Mark malamang pipiliin niya na sa kabutihan ka mapunta"

"Halika na pumasok na tayo sa trabaho" napahinto ako...naisip ko na may punto naman si Jeo sa sinabi niya.

 SA RESTAURANT ^__^

"Oy! Tahimik mo naman yata" bati ni Ayah

"Pasensiya ka na madami lang tumatakbo sa isip ko" sagot ko.

Searching the Casanova's PrinceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt