Chapter 76: Jezreid (The Last Chapter)

160 2 0
                                    


          Apat na taon na ang lumipas matapos muling bumangon ang aming bansa ay bumalik na ang dati sa normal naayos na din ang mga pinsalang dinala ng mga Hamilton sa palasyo salamat kay Prince Kent at madali itong naiayos.

          Isang sanggol na babae naman ang isinilang ni Ayah habang kami ni Jeo ay nakatapos na ng aming pag aaral at may marangal na trabaho na nga pala hindi ako naging arkitekto sapagkat fine arts ang aking tinapos na inspire kasi ako sa mga likhang paintings ni Jeremy...yun nga lang hindi ako nag tagal saaking trabaho sapagkat pag kagraduate ko ay itinira na ko ni Jeremy sa palasyo.


"Mahal na Reyna...handa na po ang agahan." katok ng mayrdomo....tama nakornahan na ko bilang reyna ng bansa matapos maisang dibdib kay Jeremy isang buwan ang nakalipas.

"Magandang umaga po." sabi ko

"Magandang umaga din kamahalan....Hindi ka pa ba napapagod at tila kanina ka pang madaling araw nag lilinis sa silid ni King Jezreid."

"Totoo na halos ilang hektaria ang lawak nito pero hindi ako mag sasawang linisin ito linggo linggo."at lumabas sa kwarto ni Jharo tapos na din naman ako mag linis.


"Mahal ko, tila may medalyang naiuwi nanaman si Lilo." salubong saakin ni Khyle...I mean Jeremy. Nag aral na ang mga bata at nasa iisang paaralan sila ng aking kapatid na si Cedrick...dito na din tumira ang aking ina at kapatid na kahilingan ni Jeremy.

"Nako! napaka galing naman yata ng Lilo namin." sabi ko sumasali sa mga drawing contest si Lilo at lagi siyang nananalo.

"Lilo next time idrawing mo naman kami ni Cedrick" sabi ni Ilayda.

"Oo nga Lilo!" pag sangayon naman ni Cedrick at nag tawanan sila.

"Nakakatuwa sila hindi ba?" sabi ni Jeremy.

"Sana palagi na lang ganito" sabi ko.

"Setong! narito na sila Jeo at Ayah" sabi ng aking ina.

"Pasok kayo! kumain na ba kayo? tamang tama mag aalmusal na kami sumabay na kayo" sabi ko at sabay sabay kaming kumain. Ano nga bang meron ngayon? Marahil isa itong importanteng araw para kay Jeremy.


FLASHBACKS

(Jeremy's point of view)

"Ang mahal na hari..." tila namumutla na ang mayordomo hindi ko na pinatapos pa ang kanyang sasabihin...kaagad akong tumungo sa kinaroroonan ng aking kapatid .

"Jharo! Jharo...anong ngayayare!" sabi ko sa mga doctor.


"Clear!" sabi nito ng maabutan ko at tila diretsyo na ang life line ng aking kapatid.


"Hindi....kanina lamang ay maayos siya matapos kong masalinan siya ng aking dugo...Hindi...hindi!" hiyaw ko at tila mapaluhod ako sa sobrang sakit ng pangyayaring ito.

"Jeremy...ikinalulungkot ko." niyakap ako ni Tito Kent.

"Hindi pa patay si Jharo...buhay siya! buhay ang kapatid ko!" nilapitan ko si Jharo at niyakap ko siya.


"Pakiusap....King Jezreid nakikiusap ako sayo gumising ka...idilat mo ang iyong mga mata...pakiusap!" hindi ko na mapigilan pa ang pagpatak ng aking mga luha....buong buhay ko ang maprotektahan at maging isang mabuting kapatid lamang ang nais ko para saaking kapatid ngunit naging mabuting kapatid nga ba ko?

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now