Chapter 1: Sablay pa more!

448 8 0
                                    

PAG UWI KO ^__^!!!!

"Nasaan na yung pinabibili ko sayo?" usisa kaagad ni tita Ellyn..Hala kamot ng ulo! Eh paano ko ba to sasabihin??? Patay nanaman neto...

"K-K-Kasi po ano eh...kasi..."

"Ano?"

"N-na...N-nakaw po yung bag ko...heto nga po at hingal na hingal ako naglakad lang po kasi ako"

"Nilakad mo mula palengke pauwi? Kahit singko wala kang tinira? Yung bag kong TSYANEL alam mo ba na imported at original yun?"

"TSYANEL? Bag ba yun?" hmmm sa TV lang yun eh!

"Ah Tita, Paano niyo naman nalaman na imported yun eh sa tabi tabi niyu lang binili yun" biglang sumulpot naman tong si Jeo kabababta ko!

"Anung tabi tabi? Saka kahit na ba noh! Ang mahal ng bili ko dun! At ikaw Celestine ibalik mo sakin yung perang napanakaw mo! hmp!" sabay alis ni tita Ellyn.

"Jeo....narinig mo yun? ibalik ko daw? Saan ako hahanap ng ganun halaga?" tanung ko.

"Setong! Magkanu ba yun pinanakaw mo? anu bang nangyari?"

"Binigyan niya ko ng 1,5k namalengke ko para sa ingridience ng karindirya niya tapos may gwapong lalaking namunggo saakin malay ko ba na magnanakaw?"

"So pag gwapo hindi kahinala hinalang magnanakaw?"

"Jeo! Anu ba! Kakampi ba kita?"

"Tsss ang sabihin mo lutang ka nanaman! O ngayun paano mo babayaran yun?"

"Yun na nga eh wala ka bang alam na partime diyan?"

"Eh pinag aaral ka kasi ng nanay mo ayaw mo! ayan napala mo!"

"Alam mo naman di ba? Kaya wag mu nang ipaalala saakin yun! hanapan mo nalang ako ng mapagtratrabahuan!"

"Kargador kagaya ko carry mo?"

"Wow! Ang laki ng kita mo ah!" napaismid ako!

"Oh bakit? Kesa tambay kagaya mo!"

"As if naman kaya ko yun! alam kong maton ang katawan ko pero hellow? Panlalaki lang yun eh"

"Babae ka nga pala!" kinurot niya ang pisngi ko! loko talaga toh!

"JEOOO!!!!" hinampas ko siya at naghabulan kami hays buti na lang nandiyan pa din si Jeo para pasayahin ako kahit papaano.

Naglakad lakad muna kami pinalipas muna namin ang init ng ulo ni Tita Ellyn...sana may madaanan din kaming mapapasukan ko tama! kailangan ko na ngang mag banat ng buto para naman may mapala ako!

"Oy Setong! tulala ka nanaman!" usisa ni Jeo.

"Jeo...hindi ba't lahat ng tao sa mundo ay may rason para mabuhay? sa tingin mo anung dahilan ko? karapat dapat pa ba kong manatili dito?"

"Ayan ka nanaman! sa tingin mo ba matutuwa si Mark kapag narinig niya yan?"

"Ano ka ba...si Mark lang naman ang naging tama sa buhay ko"

"Dradramahan mo nanaman ba ako? Setong! ang dahilan kung bakit ka narito dahil kailangan mo pang matupad ang mga pangarap mo!"

"Correction! Pangarap namin ni Mark!"

"Yun naman pala eh! may pangarap ka nga! baka gusto ni Mark gawin mo yun...tupadin mo!"

"Nang mag isa????"

"Tutulungan naman kita eh...gusto mo maging arkitekto hindi ba? bakit hindi ka nalang mag sorry sa mama mo at mag aral ulit? pag natupad mo ang pangarap mo matutuwa si Mark dahil alam niya matutupad mo na din ang pangarap niyung dalawa" sampit ni Jeo.

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon