Chapter 10: Again..

129 2 0
                                    

           "Setong!!Gumising ka na!!" ang maingay na bibig nanaman ni tita Ellyn ang bumubulabog saakin kay aga aga! hayss ano nanaman ba kailangan nito saakin???

"Bakit????"

"May naghahanap sayo bumangon ka na"

O____O??? Saakin???may humahnap?sino?

"Hala sino po???'

"Lumabas ka na kasi"

"Hala! ano pong ginagawa niyo dito?" O___O!!! ang mayordomo!!! paano nila nalaman ang tinutuluyan ko???

"Pinapasundo ka ng crown prince" sagot niya.

"Iha bakit hindi mo man lang sinabi na restaurant pala na pagmamay ari ng crown prince ang pinag tratrabahuan mo sana pinapasok na kita kahapon" basta talaga sa pera ang bait saakin ni tita Ellyn badshot!

"Eh may sakit nga po ako diba kahapon? nilalagnat ako halos mahimatay na nga ako...pakisabi na hindi po ako makakapsok baka mabinat ako"

"Talaga? parang hindi naman" O__O!!! nagulat ako ng makita siya sa may pinto susko! nakakahiya ang pangit na nga ng bahay ni tita Ellyn makalat pa tapos nakita niya pa kong may muta muta pa!

"Nag sasabi ko ng totoo"

"Bahala ka kakaltasin yan sa sahod mo"

"Sa...Sahod????" tama ba ang dinig ko???? ngumiti lang siya ng ubod ng yabang pagkatapos ay bumalik na ulit sa kotse haysss bwisit talaga

"Mag ayos ka na iha...pumasok ka na" sabi ni tita Ellyn

"Heto na nga ho" agad na kong pumasok sa banyo at naligo. Ano ba yan! nasabi ko na kay Jeo na hindi muna ko papasok tapos ganito badshot!!! akala ko makakapahinga na ko!

           No choice naman paano nga kung wala naman talaga akong sahod at nagbibiro lang ang kumag na yun? lakas trip ah alam ko ng may binabalak nanaman ang kumag na to!

SA KOTSE ^___^

"Oy! anu nanaman yang trip mo? paano mo nalaman ang tinutuluyan ko? saka diba ayaw mo kong pasahudin kahit nagtratrabaho ko sainyo?" bungad ko.

"Bakit ayaw mo ba? pasalamat ka nga nag bago pa isip ko"

"Gusto! eh alam ko naman na may kapalit yan eh pagtritripan mo nanaman ako!"

"Malamang magtratrabaho ka pa din saakin at lilinisin mo ang kwarto ko linggo linggo at susunod ka sa lahat ng utos ko"

"Kailangan ako talaga ang maglinis?eh libo libo naman ang katulong niyo sa palasyo"

"Nagrereklamo ka ba?'

"Ah...hindi naman! eh bakit kailangan mo pa kong puntahan saamin? paano mo nalaman ang lugar namin?"

"Sabi ng kaibigan mo may lagnat ka kaya binisita kita ayaw mo nun? ang crown prince pa ang nag home visit sayo? hindi kasi ako makapaniwala na tinatablan ka din pala ng bacteria eh isang malaking bacteria ka na nga"

"Aba! talaga naman umagang umaga nang aasar ka!" ngumiti lang si kumag! hays! asar naman si Jeo bakit niya tinuro ang bahay namin! ano ba yan!

"Baka pagchizmisan ka ng mga tao doon baka umabot sa media"

"Wala naman gaanong nakakakilala saakin saka madali naman para saakin taguan ang media pera lang ang makakapag pa tahimik sa kanila"

"Grabe ka naman!"

"Reality hurts...yun naman talaga"

"Wag mo ng uulitin yun...wag ka ng pupunta saamin natatakot ako na mapag usapan at makaabot pa sa media"

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon