Chapter 57: The Coronation

109 2 2
                                    

 A/N: Guys!!! hahaha please watch the video at the side pinag puyatan ko to!!! hahah para mas feel na feel ang pagread hahaha sana magustuhan niyo po salamat po sobra keep reading ^__^

           Dapit-hapon na sinamantala kong kausapin si Khyle habang naglalaro ang mga bata sa labas...nakatulala siya tila malalim ang iniisip hmm ano ba talagang problema?

"Khyle...may problema ka nararamdaman ko"

"Celestine, matanong ko lang, hanggang ngayon naiinis ka pa din ba kay Jharo? Galit ka ba sa kanya"

"Pasko...kaya naman napatawad ko na siya pero syempre hindi ko makakalimutan lahat lahat sabi nga nila It's easy to FORGIVE but it's hard to FORGET!"

"Dami mong alam!"

"Bakit tama naman ah! eh teka teka bakit mo iniiba ang usapan!"

"Naisip ko kasi na...magkamuka kami hindi ba? tapos naiinis ka sa kanya parang naiinis ka na din saakin...Setong paano kaya kung wala ako? tapos si Jharo ang nanligaw sayo? sasagutin mo ba siya?"

"Nako! ang sama sama kaya ng ugali nun! walang babaeng tatagal doon! yan si Aleonah? nako pustahan after maikasal sila maghihiwalay din sila no!"

"Ganun ba kasama ang pagkakakilala mo sa kanya? paano yan Evil King pala ang susunod na hari ng ating bansa"

"Aba true! sasaglit lang tayo bukas ha! ayaw kong makita ang pagmumukha niya! isa pa hindi naman kayo magkamuka sa paningin ko! kabaliktaran kasi ng ugali mo ang ugali ni Jharo kaya sobrang mahal na mahal kita" Tila lalong nalungkot si Khyle hmm kinurot ko ang pisngi niya.

"Salamat Setong at palagi kang nandiyan...napakabait mo"

"Wala yun..pero bakit ba talaga? alam kong may problema eh"

"May mga bagay na sasabihin ko din sayo pagdating ng tamang panahon...pero sa ngayon mag enjoy na muna tayo..wala naman problema saka kung meron man hindi naman ibibigay sayo yan ni Lord kung di mo kaya hindi ba?" sabi ni Khyle.

"Naman! Pero Khyle kung sakaling may dinadamdam ka nandito lang ako para tulungan ka"

"Salamat"

           Hindi ko naman siya mapilit umamin pero kahit ano pa ang problema mo Khyle pangako hinding hindi kita iiwan...hindi ko hahayaan na mawala ka pa saakin gaya ni Mark. 

THE CORONATION DAY

"Prinsipe Jharo...alas'ciete na po"

"Susunod na ho ako"

"Ngayon po ang araw ng koronasyon, may mga tao na din po sa labas" tumayo ako at nag ayos nang aking sarili kinausap ko pa ang sarili ko sa harap ng salamin...Oo nga pala ngayon ang araw ng koronasyon mo Prinsipe Jharo.

"Prinsipe???"

"Heto na po" lumabas na ko at bumaba sa hapag...nagulat ako napakadaming bisita...mga importanteng tao at narito din ang angkan ni Aleonah ang babaeng pakakasalan ni Jharo..

"Magandang umaga mahal na hari" bungad n reyna at isang matipid na ngiti ang binigay ko.

"Magandang umaga din"

"Bonjour prince Jharo, l'air si bon, comment ça se sent que, après le couronnement vous serez le nouveau roi de Västergötland?" (Hello prince Jharo, looking good, how does it feels that after the coronation you will be the new king of Västergötland?) tanung nang isa sa mga bisita.

"Merci, je suis heureux parce que finalement, après tant d'années, notre pays a un nouveau roi après ce couronnement." (Thank you, i'm happy because finally after so many years our country has a new king after this coronation.) sagot ko din sa wikang Frances ewan ko pa saan ko napupulot ang mga salitang yan! marahil marunong na ko noon hindi ko nga lang talaga maalala.

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now