Chapter 8: Palusot?

158 2 0
                                    

       Mahilo-hilo pa ko ng maalimpungatan ako gusto ko pa sanang matulog kaso teka...mukang wala ako sa kama ko...ang tigas tigas naman nito....nang tuluyan kong maimulat ang mga mata ko O___O!!!

      Nakatulog ako sa kandungan ng babaeng to? kung ganun hindi niya pala talaga ko iniwanan....mabait ka naman pala kahit papaano hays anu ba kasing ngyari sakin kagabi! nakakainis ang sakit ng ulo ko! malamang hindi ako nakatulog ng maayos...nakasandal siya sa katawan ng puno..napatitig ako sa kanya hmm maganda siya cute kaya lang mataba pero okay na! Ay! bakit ba ganyan ang iniisip mo Jharo! isipin mo kung paano mo siya pasasalamatan!

"Oy gising ka na pala!" nagulat ako ng minulat niya ang kanyang mga mata agad ko naman iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Umuwi na tayo may signal na ko mag papasundo na lang ako sa driver namin"

"Nako sana kagabi pa"

"Low bat na ko! isa pa wala ngang signal eh! aawayin mo nanaman ba ko umagang umaga!" sampit ko.

"Ang hirap nga pala talaga ng walang cellphone! manong pasahudin nalang kasi ko sa trabaho para naman umasenso ko kahit papaano" sagot niya hmm nag paparinig ba ang bruhang to!

"Alam mo ba na nabili ang restaurant na yun ng Tito Kent ko mula sa pamilya ng mga Aristicrat! at hindi yun basta basta yung mga chef doon talagang sikat na sikat kaya hindi birong halaga ang nabasag mo dahil pati iyon ay pag mamayari ng mga Aristocrat at mga chef. Hindi biro ang bili doon ng tito Kent ko ayoko ngang sabihin sa kanya na isa sa mga baso doon na hindi biro ang halaga ay nabasag ng isang kagaya mo"

"Wow! grabeh ka naman kung makamaliit sana pala iniwan nalang kita kagabi eh"

"Pinapaliwanag ko lang naman sayo ngayon bilang pasasalamat ko sa ginawa mo sige ako na ang bibili ng kapalit nun pero magtratrabaho ka pa din sa restaurant ng walang sahod at paglilingkudan mo ko!"

"Ano? abah! sana nga iniwan nalang kita kagabi!"

"Sayo na lang to" inabot ko sa kanya ang phone ko.

"A-ano yan? suhol?"

"Para matawagan kita pag ka kailangan kita"

"Ayoko! hindi ko tatanggapin yan"

"Oh di ipapasundo nalang kita"

"As if naman alam mo kung saan ako nakatira"

"Muka naman hindi mo sasabihin pero malalaman at malalaman ko kung saan"sagot ko.

            Maya maya lang dumating na ang driver namin...ang dungis ko kailangan hindi to malaman ni Mama pero tiyak kagabi pa ko pinaghahanap noon hays! nako naman!

"Prince Jharo...ano pong ngyari sa inyo? hinahanap na po kayo ng reyna...nagpipilit nga pong sumama ng sabihin kong sa gubatan ko kayo susunduin pero sabi ko mas mabuti na manatili nalang siya sa palasyo dahil may mga bisitang darating" bungad ng driver namin.

"Bisita?" tanung ko.

"Ang mga Hamilton daw po ayon sa pagkakaalam ko"

"Nanaman?? hayss sige ihatid mo na kami"

"Ah...ikaw nalang mag ko-commute nalang muna ko nakakahiya naman may mga bisita ka pa kailangan mong mag ayos alangan naman humarap ka ng madugis ang itsura mo"

"Ihahatid lang naman kita saglit lang yun! makakapag hintay naman sila ah"

"Wow! kapangyarihan din pala ng prinsipe ang paghintayin ang mga bisita niya so paano kapag naging hari ka? paghihintayin mo din ang mga taong bayan kapag kailangan nila ng tulong mula sa hari?"

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now