Chapter 46: Ikaw ay Ako, Ako ay Ikaw

94 4 2
                                    

         Bakit kaya naitanung ni Setong ang tungkol dun? hindi naman kaya nakakahalata na siya? kung sa bagay pababa naman na ang kulay ng buhok ko isa pa tingin ko ngayon niya lang naman talaga yun napansin...kailangan ko na nga sigurong bumalik sa palasyo at ibalik ang buhay na para naman talaga kay Khyle pero bakit ganito ang nararamdaman ko? bakit parang ayoko na bumalik? alam ko namang naduduwag nanaman ako sa mga bagay na kailangan kong harapin...nakaramdam ako ng takot pero alam ko din na mali ang ginagawa ko.

"Khyle?" usisa ni Setong

"Ah...ano yun?"

"Alam mo ba na kulay ginto ang buhok ni Jharo? alam mo actually kahit saan angulo kita tignan magkamukang magkamuka talaga kayo ni Jharo! sabi ko naman sayo kung magdidikit kayo para kayong kambal"

"T-talaga?" mahinang sagot ko.

"Oh? bakit parang malungkot ka yata ngayon? alam mo kung may dapat na malungkot ako siguro yun! una sa lahat suspendido ko nang dalawang linggo kaya wala akong pera sa pasko! hays" sabi ni Setong

"Hindi naman ako malungkot...kaw na nga may sabi malapit na nga pala talaga ang pasko" sagot ko.

"Isa pa nga magpapasko eh nakisabay pa tong si Aleonah! hays kainis panira talaga ang babaeng yun!"

"Pasalamat ka na nga lang at hindi nilabas ng management ang identity mo bilang empleyada pinrotektahan ka pa din nila kaya pasalamat ka kung di pagkakaguluhan ka ng mga tao lalo na at si Aleonah pa ang binagga mo"

"Ganun naman tala eh ang hustisya ay para lang sa mayayaman at tayo pinagkaitan kaya kahit tayo ang tama mananalo pa din sila kahit sila naman talaga ang may maling intesyon, pera nga naman lakas ng kapangyarihan"

"Pero wag ka pa din magpaka kampante...prinsessa ang hinarap mo" pumasok na ko sa loob ng bahay.

SETONG's POV: hmm bakit parang malungkot yata si Khyle? anong problema nun? hmm kung sa bagay tama naman talaga siya dapat nga kong magpasalamat sa management pero hindi pa din ako safe bwisit na Aleonah kasi yan! hays ni wala man lang gawing action si Jharo para pigilan ang bruhang fiance niya! kainis!

"Ate?" nagulat ako ng hawakan ni Ilayda ang kamay ko.

"B-bakit?"

"Alam mo ba na nag aalala si kuya sayo?"

O_______O!!!!????

"Ah eh...."

"Alam namin kahit naman hindi niya sabihin eh alam ko na ikaw ang iniisip niya baka nga naman may mangyari sayo...alam mo ate malungkot si Kuya Khyle minsan nakakapanibago"

"Kahit ako man ang nainibago sa kinikilos ni Khyle hindi na siya pala biro at maharot para bang palagi nalang siyang malungkot....haysss kasalanan ko to"

"Wag mong sisihin ang sarili mo ate hmm tingin ko nag papahiwatig lang yan na kailangan mo ng sagutin si Kuya Khyle"

"ANO??????"

"Opo! kailangan niya na ng inspirasyon para sumaya siya! iba pa din naman pag ka may girlfriend" sagot ni ilayda

"Aba aba! kay bata mo pa naman! wala ka pa naman alam tungkol sa mga bagay na yan saka isa pa...hanggang ngayon hindi pa ko sigurado sa nararamdaman ko para kay Kyle"

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now