Chapter 24: I Miss HIM....

130 2 1
                                    

             Iniwan ko muna si Setong sa katapat ng tindahan ng apartment na tinutuluyan namin medyo magdidilim na kasi paano ko ba kakausapin si Kim ng maayos? kasi naman hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng tama ng babaeng yun saakin! ganun na ba ko kagwapo para dikitan nya as in daig niya pa ang linta kung makadikit!

"Kim...." pumasok ako sa appartment nakita kong nanunood siya ng TV kasama sila Lilo at Ilyada.

"Ah...Kyle pasensiya ka na talaga kasi siya naman talaga ang nauna eh"

"Okay lang yun Kim mabait na tao si Setong hindi naman big deal yun sa kanya isa pa madaling makapalagayan ng loob ang taong yun"

"Madaling makapalagayan ng loob? ayoko nga sa kanya eh! wag mo na siyang papapuntahin dito please?"

"Bakit girlfriend ka ba ni Kuya Kyle? saka mabait kaya si Ate Setong!" sabat ni Ilayda

"Shh Ilayda!" saway ko.

"Kuya hindi ba't sabi mo mamimili tayo sa palengke ngayon? halika na! napakarami sigurong bagsakan ng damit lalu na at night market ngayon sa palengke"

"May sinabi ba kong ganun?" kinindatan ako ni Lilo nako mukang iba ang ibig sabihin ng mga batang ito.

"Kuya! nag promise ka diba!"

"Ah eh sabi ko nga gumayak na kayo"

"Kyle...maraming luko sa night market bukas nalang kayo mamili sasamahan ko kayo" sabi ni Kim

"Eh kasi nakapangako na ko mangungulit lang ang mga toh eh yaan mo next time sasama ka namin..."

"Kuya tara na! salamat sa speghetti at cake ate Kim" sabi ni Ilayda

"Ok sige...salamat din bye Kim" paalam ko ^___^ hahaha alam kong bad vibes ang nararamdaman niya pero ang hirap kasing kumilos pag laging nasa tabi ko si Kim.

              Paglabas namin ng appartment kaagad naming dinaanan si Setong sa may tindahan mukang epektibo naman ang naisipang plano nila Lilo at ilayda...balak kong ipasyal muna ang mga bata sa kabilang baranggay pista kasi ngyon doon at may mga carnaval maraming rides na tiyak magugustuhan nila.

"WOW! kuya ang ganda naman dito!" sabi ni Ilayda pagdating namin doon.

"Ano bang meron Chuya?" usisa ni Lilo.

"Fiesta kasi dito....ano saan tayo? san niyo gusto?"

"RIDES!" sabay na hiyaw nila.

"Setong! halika dali!"

"Ah..."

"Ano ka ba minsan nalang tayo ulit bumalik sa pagkabata! sulitin na natin to" hinawakan ko ang kamay ni setong at inaya sa mga rides kagaya ng Fairy's wheel (Pasensiya na po sa mga wrong spelling wahaha!!!!) sumakay din kami sa horror train, Carossel at naglaro ng mga games kung saan makakakuha ka ng price na stop toys.

"Kyle magaling ka pala sa mga ganyang bagay" bati ni Setong.

"Ang alin? madali lang naman patamain ang bola sa target eh" sagot ko. Ang game na nilalaro kasi namin ay kailangan mong batuhin ng bola ang mga patung patong na plastic cup at pagka natumba lahat ito makakakuha ka ng price na stoip toy.

"Ate Setong subukan mo po!" sabi ni Ilayda.

"Ah eh hindi ako marunong umasinta" sagot ni Setong.

"Ache Chetong, chuchuruan ka ni chuya Kyle" sabi ni Lilo.

"Halika madali lang toh!" sabi ko.

SETONG's POV: Nagulat ako ng hawakan ni Kyle ang kamay ko...ang lapit namin sa isa't isa grabe masasabi kong naging masaya ko sa araw na to...ito ang araw na muli akong naging masaya kahit papaano...sa totoo lang wala ang attensyon ko sa tinuturo ni Kyle...tila napako ang mga mata ko sa kanya...

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon