Chapter 67: Point of View

42 1 0
                                    


UKNOWN'S POV


              Nasundan ng grupo ng mayordomo si Francis at nakita niya na tumungo ito sa isang bakanteng gusali...maraming bantay dito kaya naman gustohin mang pumasok ng mayordomo ay hindi niya magawa pero buong gulat niya ng makitang inilabas ng mga armadong lalaki si Jeremy at tila isaskay sa sasakyan kaagad naman kinuhanan ito ng mayorodomo ng litrato pati na din ang plaka ng sasakyan mukang ililipat ng taguan ng Francis na yun si Jeremy.

"Sundan natin sila....tatawagan ko ang mahal na hari" sabi ng mayordomo.

"Masusunod" sabi ng isa sa mga tauhan nito.


"Mahal na Hari....natagpuan na namin ang inyong....ang inyong pinapahanap" bulaslas ng mayordomo ng sagutin ng hari ang kanyang cellphone.

"Magkita tayo sabihin mo saakin kung saang lugar yan at magdadala ako ng maraming kawal?"

"Wag na po kayong sumama pakiusap...Maraming armadong kawal si Francis kailangan niyong mailigtas si Khyle hindi ba?"

"Kaya nga ko pupunta sapagkat nais ko ako mismo ang magligtas kay Khyle"

"Pero kamahalan..."

"Nakikiusap ako hayaan mo ko na gawin ito." Hindi na umangal pa ang mayrdomo.


              Dinala si Jeremy sa isang hide out ni Francis kung saan hindi alam ni Aleonah iba na kasi ang kutob nito sa kasintahan....naisip ni Francis na tapos na ang palugit na ibinigay niya kaya naman isasagawa niya na ang planong pag kitil ng buhay ng kanyang bihag.

          Nagkita naman si Jharo at ang mayordomo kasama ang mga kawal at kaagad na itinuro ng mayordomo kung saan ang lugar na pinag dalan kay Jeremy.


"Sigurado ka ba na dito yun?" usisa ni Jharo habang patungo sa bagong hide out.

"Opo...kamahalan nag aalala ko sa inyo baka mapano kayo..."

"Wag kang mag alala dahil ngayon alam ko na na may kinalaman nga si Francis sa lahat ng ito ay magagawa ko ng mapag hiwalay sila ng aking ina."

"Ganyan ganyan din ang inyong kapatid mahal na hari" tila natigilan si Jharo at naalala na si Mark at Jeremy ay iisa....batid niyang iisang babae lamang ang kanilang minahal.

"Sabihin mo saakin....lahat ng hindi ko nalalaman pakiusap." Sabi ni Jharo at kaagad naman kwinento ng mayordomo sa hari ang lahat lahat ng nalaman ni Jeremy noon.

          

              Sa kabilang panig naman ay patuloy sa pananakit si Francis kay Jeremy halos mapuno na ng latay sa katawan ang prinsipe sa ginagawa ni Francis.

"Umamin ka! Huling pagkakataon mo na to!"

"Bakit ako aamin? Wala akong dapat aminin sayo!" sagot ni Jeremy.

"Matigas ka talaga! Pinahanga mo ko sa iyong katapangan! Pero batid mong ito na ang huling oras mo"

"Patayin mo ko kung kinakailangan maprotektahan ko lang ang aking bansa, ang aking Ina at ang aking kapatid." Tila kinagulat ni Prinsipe Francis ang sinabi ng lalaking nasa kanyang harapan.

______

"Kung ganun yun pala ang katotohanan....sana noon mo pa sinabi saakin....nag muka akong tanga hindi ko alam ang nagyayari saaking paligid anong klaseng hari ako?" bulaslas ni Jharo matapos malaman ang lahat lahat.

Searching the Casanova's Princeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن