Chapter 16: He is....

153 1 0
                                    

        Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naisigaw ko na ang pangalan ni Mark sa sobrang takot. ko...gusto ko pang makauwi saamin ng buong buo at buhay na buhay marami pa kong gustong gawin sa life ko! saka hindi pa ko nakikipag bati sa nanay ko! Hahah gusto ko na mamatay dati pero ayaw ko pa pala sorry po -____-

                                      

"Kapag ayaw edi wag niyong pilitin" O___O!!! Mark??? si Mark ba yun????

"Lilitaw ka din pala weh! akala ko naman habang buhay mo na kaming tataguan"

"Renz...baka nakakalimutan mo wala akong kinakakatakutan para magtago"

"Kung hindi ka takot bakit mo iniwan ang kapatidan? ang sabihin mo duwag ka lang talaga!"

"Bakit? hindi mo ba naiisip na mali na ang ginagawa natin? illegal ang pagnanakaw! At kung duwag ako sana hindi ko nagawang harapin ang mga pulis at ang kakahiyan sa harap ng madaming tao eh kayo? Tumakbo kayo diba? wala man lang nakaisip sa inyo na tulungan ako ganun ba ang kapatiran na ito? may iwanan? edi kayo ang duwag!"

"Kung sakaling nakulong ka naman ay tutulungan ka namin makalabas" sabi nung Renz

"Itatakas niyo ko? lalung illegal ayoko na!"

"Kung ganun kakalas ka na talaga saamin kailangan mo tong pagsisisihan!"

"Saktan niyo na lahat ng gusto niyong saktan wag lang ang mga kapatid ko at ang babaeng yan!"

           Kumulog kaya naman medyo lumiwanag naaninig ko ang muka niya....hindi pala si Mark...si Kyle pala ang nilalang na to..."Kapag ayaw edi wag niyong pilitin" kapag napag tritripan ako noon ganyan ang bungad palagi ni Mark at dahil siga siya sa campus kinakatakutan talaga siya kaya naman ng malaman ng lahat na kasintahan ko na siya kahit madaming haters ang pumapatos saakin ay dedma lang takot lang nila kay Mark! hayss naalala ko tuloy si Mark bully kasi ko at siya lang ang hero ko...

        Kitang kita ko na kahit lumalaks ang ulan nakipag suntukan si Kyle sa mga nilalang na yun! hindi ko akalain na magaling nga sa basag ulohan si Kyle....muka kasi siyang maangas pero mabait naman talaga ang pagkakakilala ko sa kanya alam ko naman na nagnakaw siya noon para sa mga kaptid niya...baka naman nag papanggap lang siya? Matapos niyang mapatumba ang ilan tila naduwag yung Renz at sumigaw ng "Atras...!!!!"nagtakbuhan sila paalis.

"Halika na....." lumapit si Kyle saakin at nag umpisa na kaming lumakad.

"Kyle...ayos ka lang ba?" basang basa na siya ng ulan....pinayungan ko parin siya.

"Bakit ka pumunta dito?"

"inutusan kasi ko ng tita ko na bumili ng pang imbak kasi bumabaha din saamin eh naisip ko daanan sila Ilayda hinahanap kita sa palengke kanina hindi kita nakita kaya pumunta na ko...nakita ko na papasok na yung tubig sa bahay niyo kaya hinanap na kita"

"Kung hindi ka taga dito mapanganib na mag isa ka lang sa gabi...ayan napag diskitahan ka tuloy sa susunod wag ka ng aalis mag isa sana hinintay niyo nalang akong dumating sa bahay" sagot niya parang nagalit ko yata siya :(

"Pasensiya na talaga"

"Alam ko kasi na babaha at kaya ko natagalan ay humanap muna ko ng pansamantalang matutuluyan hanggat hindi pa humuhupa ang baha dito sa palengke isa pa naisip ko din na baka mapag diskitahan nila Renz ang mga kapatid ko kailangan talaga makaalis na kami dito"

"Tama yun naisip mo...mas makakabuti nga kung ialalayo mo na dito ang mga bata...nga pala sino ba sila Renz? sila  ba yung kasama mo noon na tinutugis ng mga pulis?" usisa ko.

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now