Chapter 45: The Golden Hair

89 1 0
                                    

                   "Ikaw ba talaga si Prinsipre Jharo?" ang mayordomo, nako mukhang nagdududa na talaga siya...hindi ko alam ang dapat kong gawin kinakabahan tuloy ako...napalunok ako ng ilang beses iniisip ko na ano kayang sasabihin ko? anung idadahilan ko? ngayung buking na buking na ko...aminin ko na kaya? kaso natatakot ako paparusahan nila ko at paano kapag dinamay ang mga kapatid ko? kainis...

"Bakit mo naman naitinanong?"casual na sagot ko.

"Koska sinä iltana, että löysin sinut ... sinusta tuli niin outoa, en voi lopettaa minun itse ajatellut tätä" (Since that night that i found you ...you became so weird, i can't stop my self thinking about this.) sagot ng mayordomo.

"Lakkaa ajattelemasta, olen vielä kuka olen ja se ei koskaan muutu. Anteeksi." (Stop thinking, I'm still who I am and it will never change. Excuse me.) sagot ko.

O_______O!!! tekah tekah??? nasagot ko???? hmm marunong pala ko mag Finnish??? hidden talent ko ba yun? baka naman sa Finland ako pinanganak? hmm ang weird ko nga!

"Prinsipe Jharo" naglalakad na ko palabas ng silid ng biglang umimik muli ang mayordomo.

"Ano yun?" huminto ako.

"Ang bilis bumaba ng kulay ng buhok mo hindi ba't buwan bwan nagpapakulay ka?"

Ou nga pala! blonde si Jharo!!! eh teka teka hindi ba yun nahahalata ni Setong???? baka naman talagang mababa na din ang kulay ni Jharo hayss patay toh!

"Kung duda ka pa wala na kong magagawa doon" umalis na ko sa silid...kung ano man ang nasa isip ng mayordomo ay ipagsasawalang bahala ko na ang imporatante sa ngayun ay makaisip ako ng paraan kung paano ko makakabalik sa pamilya ko.

             Naisip ko na tawagan sa telepono ang mga kapatid ko....sa dami kong ginagawa na hindi ko naman talaga dapat gawin nakakatulugan ko ng tawagan sila miss na miss ko na sila at yun ang totoo....at si Setong? kamusta na kaya ang babaeng yun? ni hindi niya ba nahahalata ang kaibahan namin ni Jharo? nakakainis!

-----------------

      

            Naglalatag na si Ilayda at Lilo ng madatnan ko sila hmm napaka cute naman ng magkapatid na to sobrang mahal na mahla at inaalagaan nila ang isa't isa malayong malayo saamin ni Kuya Jeremy...close naman kami Oo, pero hindi ko din maiitatanggi na may galit ako sa kanya.

"Kuya Kwentuhan mo kami uli" sabi ni Ilayda.

"Rupponzel nanaman ba?"

"Hmm ikaw, alam ko naman na nagsasawa ka na dun eh"

"Sige..." agad silang tumabi saakin talagang interesadong interesado sila sa ikwe-kwento ko.

"Isang araw may isang prinsipe...kung tutuusin hindi siya normal na prinsipe gaya ng iba...ayaw ng mga magulang niya na makipaglaru siya sa labas ng palasyo...hindi niya naranasan makapag aral sa isang regular na paaralan ipinagkait sa kanya ang kalayaan kasi lampa siya, mahina, tatanga tanga...sobrang sakitin ng prinsipe namana niya kasi ang sakit na pumatay sa kanyang ama kaya naman ganun na kahigpit ang reyna sa kaligtasan niya pero sobra sobra naman...buong buhay niya nagtatago lang siya sa kanyang silid at ang apat na sulok nito ay ang kanyang mundo, nasakanya na nga yata ang lahat pera, kayamanan pero hindi naman siya masaya"

"Bakit naman? dapat nga maging masaya siya kasi kami walang pera...pero sa bagay masaya na din ako kasi magkakasama tayo wala man pera" sabi ni Ilayda

"Ou nga Chuya" dag dag ni Lilo

"Yun na nga...mas masaya ko na ganito kesa makulong sa palasyo...nakukuha mo man ang gusto mo pero hindi ka naman malaya...kokontrolin ka ng nakakadami lahat ng responsibilidad sayo ipapatong...lalu na kung ang lahat ng yun ay hindi naman para sayo pero dahil ikaw ang naiwan sayo lahat ang bagsak"

Searching the Casanova's Princeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें