Chapter 50: Where is Jeremy?

78 3 4
                                    

            Kinakabahan ako sa magiging pagsalubong saakin ng aking ina...marahil natatakot din ako na baka may galit pa din siya saakin kahit na ilang taon na ang nakalipas...iniisip ko din na baka talagang itanakwil niya na ko bilang anak at tuluyan ng nakalimutan...

             Nakatayo na ako sa harap ng bahay ni Mama...huminga ako ng malalim at nagdoor bell kinakabahan ako lalu baka isang umaatikabong galit ang isalubong saakin ni Mama...

"Ate!!!!!!!!!" kaagad na lumabas ng gate ang kapatid ko at niyakap ako ^___^ maiiyak na ba ko??? namiss ko din si Cedrick 

"Anak, Sino ang nariyan?" Hala!!! O__O!!! Si mama???? hinga ng malalim Setong! handa na ba talaga kong harapin ang aking Ina????

"Ce-Celestine?" lumabas si Mama at nakita ako lalung lumakas ang kabog saaking dibdib...

"Mah...K-kamusta?" hindi pa ko nakakapasok sa bahay niyakap na ako kaagad ni Mama O__O!!!

"Celestine! Natutuwa ako at pinuntahan mo kami ng kapatid mo...miss na miss na kita Anak..sana napatawad mo na si Mama...patawadin mo na ko...hindi ko naman akalain na hahantong ang lahat sa ganito Sorry...Sorry Anak" tuloy tuloy na sinabi ni Mama.

"Mah Teka lang..."kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinahid ang aking mga luha "Una sa lahat kaya po ako nandito ay para makita kung ano na bang kalagayan ninyo ng kapatid ko at para humingi ng tawad sa lahat lahat" pagpapatuloy ko at pumasok na kami sa bahay.

"Bakit hindi niyo man lang ako sinundo kila Tita Ellyn?" usisa ko.

"Hinayaan ko munang lumamig ang ulo mo anak, alam ko naman na ang laki ng sama ng loob mo saakin dahil sa ngyari sa inyo ni Mark"

"Hindi niyo ba inisip na baka mas lalung sasama ang loob ko dahil itinapon niyo ko?"

"Hindi kita tinapon at kahit nasaktan ako sa mga sinabi mo hindi ko magagawang ipamigay ka...hinayaan muna kita kila Ellyn para makapag isip isip ka naisip ko na babalik ka din naman saakin kapag narealize mo na tama din ako...hindi ko ginusto ang ngyari kay Mark pero ayaw ko din na mapahamak ka"

"Mapahamak? nagmamahalan kami ni Mark at wala akong nakikitang masama doon!"

"Celestine! hindi mo ko binigyan ng panahon para ipaliwanag sayo ang lahat at sana pakinggan mo na ako ngayon!" saway ng aking ina.

"Pero bakit ba kasi ganun nalang ang pagtutol niyo saamin ni Mark? hindi siya masamang tao...mahal na mahal namin ang isa't isa"

"Gaano mo ba kakilala si Mark, Anak? alam mo ba kung anong klaseng pamilya ang meroon siya? alam kung kilala niyo ang isa't isa bilang magkatipan pero ni minsan ba pinakilala ka niya sa pamilya niya?"

"Hindi...dahil gaya niyo tutol saamin pagmamahalan ang kanyang pamilya"

"Alam mo ba kung bakit?"

             Napaisip ako...no nga ba ang dahilan kung bakit tutol ang mga mgulang ni Mark sa pagmamahalan namin? hindi ko nga naitanung kay Mark noon kung bakit...ayaw ba nila saakin dahil hindi ako kagandahan? pero maganda naman ang magiging kinabukasan saakin ni Mark isa pa mabuting tao naman ako at masaya kami ni Mark sa isa't isa....napailing lang ako sa tanung ng aking Ina.

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now