Chapter 36: I really Feel this....

112 2 0
                                    

               Pag dating ko hindi ko nagustuhan...lalung nag apoy sa lagnat si Khyle kaya naman dinala ko siya kaagad sa ospital at sa emergency room hindi na ko pinapasok...wala kong nagawa kung di manalangin sana naman walang mangyaring masama kay Khyle...paano na si Lilo at Ilayda? nakakaawa naman ang mga bata kung palagi nalang ganito.

"Doc...okay na po ba si Khyle" usisa ko ng lumabas ang doctor.

"Ah...ano po ba kayo ng pasyente?"

"Ka-kaibigan"

"Wala na po ba siyang magulang o kamag anak?" umiling nalang ako. "Hindi niyo po ba alam ang history ng kaibigan niyo?"

"Po?" sagot ko.

"Ahm kasi sa findings matagal ng mahina ang puso niya...bawal siyang mapagod mastress magalit o what so ever na makakasama sa pasyente...any time pwedeng bumigay ang puso niya at ang nakakatakot dito ay may nakita din kaming spots na pwedeng mag lead ng butas sa heart niya...mas kritikal ang kondisyon na yun kung ako sa inyo iwasan niyong mapagod at magalit ang pasyente..babalitaan nalang po kita mamaya susuriin namin siya uli,excuse me po" babala ng doctor.

Si Setong==> O__O!!!! Nga nga!!!



          Si Khyle? mahina ang puso ni Khyle? kung ganun bakit hindi niya sinasabi na may kapansanan siya? kahit ang mga kapatid niya ay walang alam sa ngyayari sa kanya...hindi man lang ba niya iniisip ang pwedeng mangyari sa sarili niya? bakit siya nag titiis? nag unahan na sa pagtulo ang mga luha ko....hindi ko akalain sobrang buti pala talaga ni Khyle...hindi niya na iniisip ang sarili niya para lang sa mga kapatid niya...para makasurvive sila kahit papaano ay nag sasakripisyo siya kahit alam niyang ito ang kapalit.


"Nurse..." tinawag ko yung lumabas na nurse sa ER

"Po?"

"Pwede ko na bang makita si Khyle Rivers?"

"Sa RM 404 po dadalin na siya doon mamaya dun niyo nalang siya puntahan"

"Ah...ilang araw siya mamamalagi dito?"

"Maraming test ang gagawin sa kanya baka po mga apat o limang araw pa"

"Sige salamat" sabi ko.

            Apat hanggang Limang araw? aabot kaya ang binigay ng reyna? bibili pa ko ng mga gamot panigurado at alam kong mahilab hilab din ang halaga nun! mag over time kaya ko sa restaurant at pakiusapan si Jharo na sweldohan ako ng malaki laki? wala na talaga kong choice! ano ba!

     Maya maya ay pinuntahan ko na siya sa RM 404 kung saan magiging silid niya panamantala...ang amo amo ng mukha ni Khyle parang si Mark.....naluha nanaman ako..kasi ba naman! naalala ko si Jharo! tinutugtog niya yung piyesang ginawa para saakin ni Mark! nagtataka na tuloy ako kung paano at kung saan nalaman ni Jharo ang notes na yun hayss....baka naman nagkamali lang ako ng dinig!

             Muli kong binaling ang mga mata ko kay Khyle...ayaw kong mahalin ang taong to dahil sa naaawa ako sa kanya at mas lalung hindi ko bubuksan ang puso ko kung si Mark ang dahilan kung bakit kita mamahalin...ayaw kitang mahalin dahil nakikita ko si Mark sa katauhan mo Khyle...alam ko naman na magkaiba kayo pero alam ko may plano si Mark at balang araw malay natin pag dilat mo magagawa ko ding mahalin ka bilang si KHYLE. Pero sa ngayon parang imposible dahil si Mark pa din talaga ang nasa puso ko...hindi ko alam pero hindi ko siya kayang kalimutan.

"S-setong?" nagulat ako ng dahan dahang dumilat si Khyle.

"A-ano yun? anong gusto mo? anung nararamdaman mo? okay ka na ba?" natataranta ko.

"Salamat" mahinang sagot ni Khyle at muli siyang pumikit.

"Kinabahan ako...bakit kasi hindi mo sinabi na matagal mo na palang nararamdaman ang sakit na yan? paano kapag bumigay ang puso mo? paano na sila Ilayda at Lilo? isipin mo din ang mangyayari kapag pinabayaan mo ang sarili mo"

"Wag kang mag alala...panandalian lang to...babalik din ang lahat sa normal" tugon niya.

"Normal? Khyle ano ka ba!"

"Manahimik ka nga ang ingay mo eh"

"Aba! akala mo ba kung gaano mo kami pinag alala? alam mo ba na halos mapahiya na ko sa reyna at sa kumag na si Jharo para lang maiayos ka!"

"Pumunta ka sa palasyo?"dumilat siyang muli.

"No choice wala naman akong mauutangan ng pang paospital mo at sa mahal ng gamot mo pulbos na ang kita ko sa restaurant! ayun! kinapalan ko nalang ang pagmumuka ko! nataranta kasi ko...natakot ako baka kung anong mangyari sayo."

"Setong..."

"Tingin ko naman makakahanap na ng bagong PA si Jharo hindi naman na problema yun sa yaman nila...ang problema eh may tatagal ba sa ugali ng kumag na yun? eh ako na nga lang ang matyagang umuunawa sa nilalang na yun! maangas makasarili mahangin sobra pang mapride! hayss pero buti na lang nagbigay sila...kahit na nanlumo ako at nangliit sa harap nila ayus lang atlis ngayon okay ka na"

"Salamat" O____O hinawakan niya ang kamay ko >.<

"W-wala yun basta mangako ka! magpagaling ka ha! iwasan mo na ang mapagod kaya wag ka muna papasok sa trabaho ako na bahala kumausap sa byahera niyo sa palengke...tatawagan ko sila Ilayda at Lilo para sabihin na okay ka na tapos susunduin ko sila mamaya dito na muna kami matutulog para makita ka namin at mabantayan"

"Sige Setong...salamat uli" nginitian ko nalang siya at lumabas panamantala upang humanap ng telepono tatawagan ko sila Lilo at Ilayda.

JHARO's POV: Napakabuti mo Setong kahit tanga tanga at nakakainis ka minsan nakakatuwa ka pala talaga....napakabait mo sa kabila ng mga atraso ko sayo pero nga pala...hindi niya alam na ang taong kaharap niya ngayon ay ang taong umaapi palagi sa kanya...nakakalungkot pero mas mainam na siguro na bumalik na ko sa palasyo para maging normal na ang lahat.

           Sabay sabay kaming kumain ng hapunan...dito matutulog si Setong at ang mga bata ng dahil saakin...hindi maganda ang environment sa ospital para sa mga bata...baka makakuha pa sila ng viruses pero no choice wala naman maiiwan sa kanila kung dun lang sila sa bahay..


"Kuya okay ka na ba talaga?" usisa ni Ilayda mukang hindi sinabi ni Setong ang tunay na kondisyon ko kung sa bagay para saan pa? hindi naman talaga ko si Khyle.

"Oo naman"

"Magpagaling ka ha" O___O!!!! niyakap nila ko ni Lilo grabe ganito pala ang pakiramdam ng may pamilya...ibigkong sabihin isang pamilya na hindi pera at magandang buhay ang kaligayahan...nakakaingit din si Khyle dahil damang dama ko ang daming nagmamahal sa kanya...yung ang alas niya saakin kung tutuusin crown prince ako at akala ng lahat ay nasaakin na lahat ng gusto ko pero nagkakamali sila..sana kung gaano kadami ang responsibilidad ko ay yun din kadami ng nagmamahal saakin.

"Basta Kuya pag uwi natin sa bahay magpahinga ka lang ha! promise hindi ka namin guguluhin ni Lilo" dagdag pa ni Ilayda.

"Sige...kumain na tayo" sabi ko.

"Nako...prutas muna sayo" sabi ni Setong

"Yiee chi chuya may nurse na" sabi ni Lilo.

"Libreng nurse pa" dagdag ni Ilayda at nagtawanan kami.

            Sa bagay...napaka swerte nga ni Khyle kay Setong...sana isang araw makahanap din ako ng babaeng kagaya ni Setong...yung mamahalin ako kahit hindi ako mayaman o mahirap yung walang expectations? meron pa bang kagaya niya na pantay pantay ang tingin sa lahat at hindi nasisilaw sa pera???. Eh bakit nga ba ko aasa pa? May kasunduan ang pamilya ko at ang pamilya ni Aleonah...may magagawa pa ba ko??

Oupsss!!! hanggang dito muna!!! hahaha

tnx 4 reading sorry 4 the late UD hehehe

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now