Chapter 54: Early Christmas

103 0 4
                                    

        "Kumain na ba ang prinsipe?" usisa ng reyna mayordomo, hanggang ngayon ay patuloy sa pagkukulong sa kanyang silid ang prinsipe at hindi pa lumalabas dalawang araw na ang nakakalipas.

"Hindi pa po, naglagay na kami ng mga pagkain sa labas ng kanyang silid ngunit hindi niya ito ginagalaw" sagot ng mayordomo.

"Lumalaki na talaga ang ulo ng batang yan! ganyan ba ang magiging hari ng bansa? napakatigas ng ulo niya! kung kailan siya uupo sa trono ng kanyang ama saka siya nagkaganyan! wala din pala siyang pinagkaiba kay Jeremy! wala talaga akong maaasahan!"

"Hindi kaya kailangan bigyan po natin siya ng panahon? kailangan niya din hanapin ang kanyang sarilimay tiwala naman po ako kay Prinsipe Jharo"

"Panahon? labinganim na taon palang siya sinanay na siyang maging hari mulat na ang kayang kaalaman ukol sa pag upo niya sa trono ng kanyang ama bilang hari anong panahon pa ba ang gusto niya? nasa hustong taon na siya alam na niya ang tama at mali"

"Pagkatapos ng pasko, ikaw dalawangput-anim ng disyembre si Jharo na ang kikilalanin hari ng lahat, masaya ko dahil pagkalipas ng higit pitong taon may tatayong hari na din saating bansa pero nalulungkot din ako sapagkat hindi ko nababasa kung anong posibleng iniisip ngayon ng prinsipe"

"Kapag hindi pa din siya lumabas hanggang sa araw ng kornasyon, magdedesisyon na ko, papakasalan ko si Francis at tatanggapin ko ang pagiisa na aming mga bansa" tumayo ang reyna at umalis sa hapag kainan.

KHYLE's POV: Akala yata ng reyna ay hindi ko naririnig lahat ng sinabi niya? nakikinig lamang ako sa kanila ng mayordomo...sa nakikita ko hindi maganda ang magiging kalagayan ng bansa kung aalis ako ngayon sa palasyo...Ito yata ang unang pasko na hindi ko makakasama ang mga kapatid ko pero hindi talaga maganda ang sitwasyon isasakripisyo ko nalang ang sarili kong kaligayahan para sa bansa ayaw kong si Francis ang maging hari...hindi ko alam pero iba talaga ang tingin ko sa nilalang na yun ang bigat ng nararamdaman ko sa kanya..nag isip ako ng paraan...isang paraan para masolusyonan ang lahat.

"Lumabas na ang prinsipe!" isang kasambahay angumimik at ang lahat ng tao sa loob ng palasyo ay nagtinginan...

"Prinsipe Jharo" naalerto kaagad ang mayordomo.

"Aalis ako...wag mo na kong samahan babalik ako matapos ang trenta minutos"

"Pero...."

"Sundin mo nalang...mag uusap po tayo pagdating ko"

"Magpapahatid...." hindi ko na ulit pinatapos ang sasabihin niya.

"Aalis akong mag isa...ako lang"

"Baka mapaano kayo mahal na prinsipe"

"Mangamba ka kapag natapos ang trenta minutos at wala pa ako"

"Pero saan ko kayo hahanapin"

"Sa palengke"

"Doon kayo pupunta?"

"Hindi"

"Prinsipe Jharo..."

              Tuloy tuloy ako sa paglakad nakajacket na hoody ako at nakashades nag cup pa ko hahaha sumakay ako sa isang karatig pagkatapos nun ay isa pa ulit papunta saamin at madali naman ng lakadin papasok sa aming lugar tingin ko naman ay walang makakakilala saakin.

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now