Chapter 70: The Search is Over?

48 1 0
                                    



              Aligaga ang aking kapatid na si Jeremy hindi ko alam pero halata na tila may bumabagabag sa kanyang ka looban. Unang araw ng burol ng mahal na Reyna at dumating ang kanyang malalapit na kaibigan at maging ang prinsesa ng Hamilton.


"Ako'y nakikiramay mahal na Hari." Bati ni Aleonah...pinalabas naming na hindi nag pakamatay ang reyna, kung di nagkasakit ito.

"Salamat" tugon ko.

"May sakit pala ang reyna bakit hindi niya man lang nabanggit saakin ang ukol dito"

"Isang pribadong kadahilanan, Aleonah"

"Nga pala mahal na hari...batid kong tutupad ka saating kasundaan o hahayaan mo nalang..."hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Aleonah.

"Kinausap ko na ang iyong ama at oo, hindi siya pumayag na ikansela ang pag iisang dib dib nating dalawa"


FLASHBACK

"Ikinalulungkot kong sabihin ngunit hindi ko magagawang pakasalan ang inyong anak."

"Mahal na Hari...ang pag kansela sa kasunduan ay sumasagisag na wala kayong isang salita isa pa matagal na ang kasunduang ito at hindi ko hahayaang basta basta mo nalamang ito ipawalang bisa."

"Batid ng aking ina na hindi ko iniibig si Aleonah, nais kong humingi ng kapatawadan ngunit hindi ko magagawa ang inyong nais."

"Sinisira mo ang tiwala ko sayo....kapag hindi ka nakipag isang dibdib saaking anak ay isang malaking kaguluhan ang magaganap saating mga bansa at sinisuguro kong pag sisisihan mo bilang hari at sa tingin mo ba ay maiibigan ito ng iyong ama?"

"Hindi ko isasakripisyo ang aking nasasakupan sa walang kwentang kasunduan na ito ngunit bilang hari ay naniniwala akong may karapatan ako upang mag desisyon para saaking sarili."

"Mahal na Hari sana'y pag isipan mo ang iyong desisyon....hindi kami nag mamadali pero nais kong ituring mo ito bilang isang babala." At umalis na ang hari ng Hamilton.


"Kinalulungkot ko, Jharo"

"Narinig mo ang lahat?" nakita kong nakatayo sa may hagdanan si kuya Jeremy.

"Tama naman ang iyong mga sinasabi."

"Pero ito nga ba ang tamang desisyon?"

"Oo naman Mahal na Hari, hindi ka dapat matakot sa babala na iniwan ng ama ni Aleonah sapagkat alam mo na malakas ang ating hukbo."

"Ayokong maging kampante lamang...nag aaalala ako sa maaring mangyari at sa mga inosenteng tao madadamay."

"Paumanhin ngunit bilang hari tingin ko ay dapat mag tiwala ka din sa iyong mga kapanalig."

Marahil tama nga ang aking kapatid nabawasan ang aking pangamba ngunit batid kong ipagpapatuloy pa din ang nasabing pag iisang dibdib namin ni Aleonah.

FLASHBACK END


"Hindi yun ang aking tinutukoy....tila hindi mo pa nababasa ang aking liham....mukang nagiging maliwanag na saakin ang lahat."

"Anong sinasabe mo Prinsesa?"

"Reyna..."sagot niya at napabuntong hininga na lamang ako...tila mahihirapan ako sa pagputol sa kasunduan ng aming mga magulang.

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now