Chapter 12: Mark...

305 3 0
                                    

        "Sino yun? bakit ang tagal mo naman?" nagulat ako sa pagsulpot ni Jeo hayss mga alas tres nga lang pala nung umalis ako eh mag aalas otsyo na hayss

"Eh ang dami kayang pinabili ng crown prince" sagot ko.

"Sino yung naghatid sayo?" usisa ni jeo

"Isang kaibigan...nangalay yung braso ko kasi nakamotor lang kami bitbit ko pa ang mga pinamili hayss hindi tuloy ako makahawak sa kanya eh ang bilis pa magpatakbo"

"Sinong kaibigan?"

"Si Kyle"

"Kyle????'

"ah ipapakilala ko din siya sayo pag nagkita kami ulit"

"Nandito ka na pala" bungad ng kumag!

"Oh ayan ha kompleto na yan! inikot ko na yata ang buong mundo para lang makahanap ng mga pambihirang mga sangkap na yan!"

"Nagrereklamo ka ba?"

"Ah hindi naman"

"Ayusin mo na yan sa kusina" habang inaayos ko sa kusina ang mga sangkap talaga palang chinecheck niya mabuti nalang at wala akong nakuhang may sira hmm sana pauwiin niya na ko inaantok na ko eh.

"Okay na tapos na po"

"Sige makakauwi ka na...agahan mong pumasok kung ayaw mong sunduin pa kita"

"Opo!" inirapan ko nga hays

"Oy! sino ba kasi yung Kyle?" nagulat ako paglabas ko ng restaurant bumungad agad si Jeo.

"Hindi ka pa umuuwi?"

"Hinihintay kaya kita! nag over time pa ko! buti naman at sasahudan na tayo ng crown prince ayon sa manager naten"

"Salamat sa paghihintay...ayaw mo nun over time dagdag money?"

"Sino nga yung Kyle?"

"Kaibigan ko nga"

"Saan mo nakilala?"

"Sa palengke"

"Kailan pa?"

"Hmm kanina lang"

"Ang bilis mo magtiwala!"

"Mabait siya"

"Paano mo nasabi? Madaming loko at gangsters sa bayan ah"

"Hmm teka bakit parang galit ka? may toyo ka ba?"

"Nagtatanong lang ako baka kasi kung anong mangyari sayo!"

"Alam ko naman ang ginagawa ko!"

"Bahala ka nga!"

"Yaan mo ipapakilala ko talaga siya sayo! hindi naman ako magtatago ng secret sayo eh"

"Ganyanan?"

"Ikaw eh! pasecret secret ka pa! hmp! Ay alam mo ba Jeo tanda mo nung una kaming magkakilala ni Mark?"

"Yung natapilok ka sa hagdan tapos inabot niya sayo yung kamay niya at nung inabot mo binitawan ka naman at tinawanan ka?"

"Oo! ganun kami nag kakilala ni Kyle...nakakatawa nga pinagtawanan niya din ako...tapos diba laging sinasabi ni Mark to pag barado na siya saating dalawa? "Am I Asking your Opinion?" hahah nakakatuwa narinig ko ulit yun kay Kyle namiss ko talaga si Mark kanina tiyak pag nakilala niya si Kyle magkakasundo sila"

"Tingin ko hindi"

"Bakit naman?"

"Hindi naman basta basta nagtitiwala sa kung sino lang si Mark kaya alam kong hindi siya natutuwa sa ginawa mo"

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now