Chapter 51: When a Prince Fall In Love

76 0 0
                                    

         Sa itinagal-tagal ko sa lugar na ito kasama ang mga batang ito...aaminin kong napamahal na sila saakin wala naman na akong ibang gusto kung di magkaroon ng pamilya, isang pamilya na mamahalin ako ng buong buo at nahanap ko yun sa kanila pinaramdam nila yun pati na din si Setong...masasabi ko ngang hindi ko sila pag aari sapagkat hindi naman ako ang dapat na nandito kung di ang tunay na Khyle mismo, Oo alam kung naging unfair ako sa kanya pero...hahanap lang ako nang pagkakataong makabalik sa kung saan ako nababagay...alam ko naman na ang mali ko...

"Ilayda...alam mo para ka talagang matanda kung makapag salita! wala ka ba talagang katiwala-tiwala saakin?"

"Nagdududa na ko!" sagot ni Ilayda at labis akong kinabahan sa sinabi niya.

"Dahil ba...wala kang tiwala saakin? kung hindi ako si Khyle sana noon palang iniwan ko na kayo at para saan naman na magpapanggap ako?"

"Eh kasi...."

"Heto tignan mo...binilan ko kayo ni Lilo ng mga bagong libro,lapis at papel tuturuan ko kayaong bumasa at magsulat" 

"Talaga kuya?"

"Oo...sige halika na maya maya ay kakain na tayo"

          Bata pa din talaga si Ilayda kahit na para siyang  matanda kung makapag salita...nakahinga din ako ng malalim akala ko naman ay mabibisto niya na ko...wag kang mag alala...babalik na si Khyle...ang tunay na Khyle.

           Pero paano nalang ang tunay na nararamdaman ko para kay Setong? hindi ko naman sukat akalain na dadating sa ganito....ayaw ko sa kanya sa totoo lang at natutuwa lang naman ako sa kanya nung una pero bakit ba kasi sa kanya pa nahulog ang puso ko? hindi ko akalaing mamahalin ko siya ng ganito....buong buong puso ko hanada akong ibigay sa kanya...pero pag nalaman niyang hindi ako si Khyle...mukang alam ko na ang mangyayari kaya hanggat maaga pa kailangan ko ng bumalik sa palasyo.

---------------------

            Habang nasa byahe ko pauwi...hindi ko mapigilan ang maluha sa lahat ng nangyari at nalaman ko sa araw na ito! tila naging sariwa para saakin ang lahat.....bakit ngayon ko lang nalaman? bakit hindi sinabi saakin ni Mark ang katotohanan? bakit? madaming bumabagabag na tanong sa aking isipan na si Mark lamang ang tanging makakasagot...naglalakad na ko malapit na ko saamin pero tila lutang nanaman ako sa ngyari.

"Celestine! halika may nacompose akong kanta...para sana ito sayo" bati ni Jeo.

"Uy! Celestine!" muli niyang tawag.

"Ah...Jeo...."

"Nako Lutang ka nanaman!"

"Pasensiya na...nga pala..."

"Halika sa may playground...sa tamabayan" bigla niyang sinabi...mukang nahahalata niyang personal ang sasabihin ko, pagdating sa palyground...

"Ano ba yun Setong? may problema ba?"

"May maganda at nakakalungkot na balita...anong gusto mong mauna?"

"Malamang yung maganda"

"Pinuntahan ko na si Mama...maayos naman ang kalagayan nila ni Cedrick, okay na kami Jeo....sa susunod na balik ko paguusapan namin kung saan university ko mag aaral..."

Searching the Casanova's PrinceWhere stories live. Discover now